
25/10/2024
𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐎𝐍𝐋𝐈𝐍𝐄 𝐊𝐎𝐍𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐈𝐊𝐎𝐋𝐀𝐍𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐏𝐄𝐊𝐓𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐆 #𝐊𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐧𝐞𝐏𝐇
Ang aming butihing alumnus, Dr. Iro Miguel Grieta, ay magbubukas ng libreng online konsultasyon para sa kapwa Bikolanong apektado ng Bagyong Kristine.
Ang medikasyon para sa leptospirosis at karagdagang sakit ay nangangailangan ng reseta, na mahirap makuha sa kalagitnaan ng sakuna.
Maaaring mag-chat sa FB page ni Dr. Iro Miguel Grieta o i-scan ang QR code.
🔗 https://bit.ly/UPBugkosLibrengKonsulta
Bukas ang kanyang serbisyo tuwing 7 AM - 10 PM, mula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 1, 2024.
Para sa ibang katanungan, maaaring itungo sa UP Bugkos page.
Dios Mabalos po!