
02/04/2024
Walang umaasenso sa panloloko ng tao, kahit anong galing, talino at sipag mo kung ginagamit mo naman ito sa pangloloko ng kapwa mo hindi ka talaga aasenso.
Hebreo 13:5
Huwag kayong magmukhang salapi, masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo sapagkat sinabi ng Diyos, "HINDI KITA IIWAN, NI PABABAYAAN"
Maraming tao ang walang tiwala sa gawa ng Diyos sa buhay natin, hindi marunong maghintay sa biyaya ng Panginoon, kaya ang laging ginagawa dinadaan nalang sa madaliang kita, yung nanlalamang at nandadaya para sa madaliang proseso.
Gusto ng Diyos na tayo ay guminhawa sa buhay pero gusto Niya na lumapit tayo sa Kanya at ikonsulta ang mga ginagawa natin.
Salmo 37:7 ASND
"Pumanatag ka sa piling ng PANGINOON, at matiyagang maghintay sa gagawin niya. Huwag mong kaiinggitan ang masasama na gumiginhawa, kahit pa magtagumpay ang masasamang plano nila."
Ibig sabihin, dapat ibigay natin ang tiwala natin sa gawa ng Diyos at matutong maghintay,
Sabi pa sa,
Mga Kawikaan 28:6 RTPV05
"Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran, kaysa taong mayaman ngunit makasalanan."
Huwag natin kainggitan ang mga taong umaasenso sa maling paraan dahil kahit anong anong sipag nila ay sa putikan parin sila pupulutin, marumi at ikahihiya ang kanilang sarili sa huli.
Kaya, tandaan mo walang asenso ang mga taong manloloko at mandraya, kahit anong sipag nila ay balewala pa rin ito dahil ang Diyos mismo ang nakakakita ng kanilang ginagawa sa kanilang kapwa.
Rooting for you! Never give up! See you at the Top! ๐๐ฝโ๏ธโค
Be inspired awakened & motivated. Follow us for more! ๐
IG: https://www.instagram.com/allenmarvineder
TikTok: https://www.tiktok.com/
Youtube: https://www.youtube.com/