21/07/2025
"Hindi lahat ng tulong kailangang mahal, Minsan, sapat na ang simpleng serbisyo basta may malasakit."
Viral ngayon ang doktor na may pangalang Russel Nacog-ang Guadilla dahil sa 300 pesos na consultation fee.
Ayon kay Dr. Russel, Newly licenced Doctor ay naisipang magtayo ng sariling Clinic Malapit sa BGC Sakanyang tinutuluyan kasi napansin niyang bagamat sa Loob ng BGC ay sagana, ganoon nalang ka kaunti ang gumaganang health centers sa paligid ng Bonifacio Global City, kabilang ang West Rembo kung saan siya rin mismo nakatira.
Dahil dito, pinili niyang buksan ang kanyang sariling clinic hindi para kumita, kundi para makatulong sa mga nangangailangan.
Lumaki sa payak na pamumuhay ang doktor at sya rin ang kauna unahang doktor sa Pamilya, dagdag pa niya
"300pesos is more than enough to keep the clinic running but still very much within the budget of my fellow kabarangay."🫡