11/10/2023
ito na ang version ng LIVE natin earlier 😊
Calorie deficit or caloric reduction: effective nga ba talaga para magpapayat?
Let’s start with the idea of calorie deficit. Sinasabi na pag mas kaunti ang calories na kinain mo kesa sa calories na binuburn mo ay papayat ka. AT hindi dito natatake into consideration kung saan galinv ang calories na ito.
Pero ang tanong? Yun nga ba talaga ang nangyayari sa loob ng ating katawan?
They assume that calories in and calories out are independent with each other.
Ganito nila nakikita. Kung 2000kcal ang kinakain mo at 2000kcal din ang sinusunog ng katawan mo, pag 1700kcal na lang ang kinain mo, they believe na 2000kcal pa din ang calorie out mo.
At yun ang main point ng discussion natin ngayon. That decreasing your calories in triggers your calories out.
Kunyari nag eearn ka ng 100k a month. Ang spendings mo ay 100k din. Tapos bigla kang nademote. Naging 50k na lang sahod mo. Tingin mo ba same pa din ang money out mo? Magstay ka pa din ba sa 100k? Di ba automatic na magbabawas ka din ng gastos dahil nabawasan ang pumapasok mong pera?
Ganon din ang katawan natin.
Mag aadjust sya sa pagbabawas ng calories na ipinapasok natin.
Decreased caloric intake inevitably leads to decreased caloric expenditure.
Meaning pag nag calorie deficit ka, babagal lang din ang katawan mo para makapag adjust dun sa mas mababang calories na naconsume mo.
Anu-ano ang paraan ng katawan para mag adapt sa calorie deficit?
1. It reduces body heat. Calories are needed to heat the body. Since fewer calories ang available, it results to constant feeling of cold.
2. Heart pumping slows down. Calories are needed for the heart to pump blood. Since fewer calories ang available, it results to a decreased heart rate and stroke volume.
3. It turns blood pressure down. Calories are needed to maintain blood pressure. Since fewer calories ang available, it results to a decreased blood pressure.
4. It reduces cognition. Calories are needed for brain function. Since fewer calories ang available, it results to lethargy and inability to concentrate.
5. It reduces movement. Calories are needed to move the body. Since fewer calories ang available, it results to weakness during physical activity.
6. Hair and nails are not replaced. Calories are needed to replace hair and nails. Since fewer calories ang available, it results to brittle nails ang hair loss.
So the vicious cycle of under eating continues. Magbawas ka ng pagkain. Maglose ka ng weight sa una. Then babagal ang metabolism mo. Dinagdagan mo ngayon ang effort mo. Mas binawasan mo pa kinakain mo. May mabawas uli na kaunting timbang. Tapos lalong babagal metabolism at lalo ka ng nagugutom. Tapos unti unti ka na uli mag gain ng weight. You will feel cold, tired, hungry. Hanggang sa mag-give up ka na.
At once sumuko ka at ibinalik mo na uli ang caloric intake mo, hindi agad agad makapag adjust katawan natin na tataasan uli ang calories out. Ending, weight gain.
So it is now very clear na pag nagreduce tayo ng calories ay
1. Babagal ang metabolism
2. Hormonal signals that stimulate hunger increase.
Pero bakit ba talaga hindi effective ang calorie deficit?
Because calories are just the proximate cause and not the ultimate cause.
Kaya nung Monday diniferentiate natin ang dalawang ito.
Dahil ang ultimate cause ng obesity is problem with hormones. Kaya kailangang maayos muna ito.
Imagine ang aircon. Sinet mo ng 16C.
Tapos super gininaw ka na.
Narealize mo wala kang kumot.
Kaya solusyon mo nagkumot ka.
Pero kunyari katulad kita na super ginawin, hindi pa din naaddress ang problema. Maginaw pa din kahit nakakumot na.
Kasi ang pagkawala ng kumot ay proximate cause lamang bat ka giniginaw.
The ultimate cause? Yung thermostat ng AC na sinet mo.
Kaya kung gusto mong mas effective ang weight loss mo, ayusin mo muna ang body thermostat mo or a iyong set weight.
Dun tayo magfocus more than the calories in and calories out.