19/10/2020
ANCHORS NG 'KAPELUSUGAN', DALAWANG BESES GINULAT NG GUEST
Nitong October 17, 2020 edition ng health talk and public service program na KAPELUSUGAN, dalawang beses na nagulat ang mga anchors ng programang sina Dra. Hilda Ong, Jerry Epac at Joel Daray sa phone patch guest nitong si Brian Cruz, isang social influencer at certified Jimm's Coffee Mix user and lover mula sa Rodriguez, Rizal.
Hindi maka-paniwala ang tatlong program anchors ng malaman nilang tatlong taong nagtrabaho si Cruz bilang embalsamador mula taong 2015 hanggang 2017.
Pagbabahagi ni Cruz, nagustuhan niya ang pagsasaayos ng mga namayapa dahil no'ng bata pa siya ay madalas siyang nanonood ng pag-embalsamo sa katabi nilang funeral house. Kaya nag-aral siya nito at nagkaroon ng lisensiya.
Dagdag pa ni Cruz, pamamaraan niya ito para makapagdulot ng kasiyahan sa pamilya ng namayapa at sa mismong taong namatay na rin na maging maayos at presentable sa huling pagkakataon bilang pagbibigay respeto dito.
Pangalawang ikinagulat ng mga anchors ng sabihin ni Cruz na mula September 8, 2020 kung kailan nagsimula ang "Mag-Jimm's Coffee, Magka-Cash ... Swerte Raffle Promo" ay nakatipon na siya ng higit kumulang 500 entries sa loob lamang ng limang Linggo, at ihuhulog niya ito sa drop box na nasa Radio Veritas bago ang December 15, 2020 deadline.
Kung sakaling siya ang papalaring manalo ng Php 500,000 na grand prize o kaya ng Php 25,000 sa pinakamalaking pa-raffle ngayong panahon ng COVID-19 global pandemic ay balak ni Cruz na magbahagi sa Radio Veritas para diumano ay maipagpatuloy nito ang gawain nitong magpalaganap ng pananampalataya.
Para sa kumpletong interview kay Cruz, mapapanood ito dito sa fan page na ito, KAPELUSUGAN, o kaya naman ay sa FB pages ng Jimm's Coffee Mix o TV radio Hilda Ong.
Ang KAPELUSUGAN ay napapakinggan sa Radio Veritas at napapanood via live streaming sa Veritas846.ph tuwing Sabado, alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng umaga sa No. 3 AM Radio Station sa bansa, ang Radio Veritas, hatid ng Goldshine Pharmaceuticals, Inc. na siyang gumagawa ng Jimm's Coffee Mixes at iba pang herbal products.