01/09/2022
Title: Mind, Body and Soul
By:Solyraveigh
Category: Spiritual Experiences
"Hi. I wanna share my unforgettable dream and its related in my spiritual awakening as well. I'm a catholic by the way and lumaki ako in a catholic beliefs but this dream is different in what a believe so naging eye opener talaga sya sakin.
Mahaba po ito so please bear with me. 😃
So here it goes.
I woke up in my dream. Yes, literally. I'm aware that I'm dreaming so I enjoyed the flow. Sa dream ko nakahiga ako sa kalsada, pero nakita ko din sarili ko na nagising ako sa ingay ng mga taong dumadaan don. May iilan pa ngang nagbigay sakin ng barya at pera dahil akala nila pulubi ako, I looked at in myself at di naman ako mukhang pulubi dun haha pero dahil nga sa kalsada ako natutulog inakala nilang pulubi ako. Parami ng parami yung mga taong nagbigay sakin ng pera hinayaan ko lang sila, hindi ko tinanggap pero di ko rin sila pinigilan. Then there's someone na sumigaw ""Huwag nyo siyang bigyan ng pera, di naman yan pulubi, nagbabalat-kayo lamang siya!""
Then sabi ko ""Hindi naman ako nanghihingi sa inyo kusa nyo yang binigay, oh ayan, lamunin nyo, sa inyo na yang pera nyo, di ko yan kailangan"" tapos kinuyog nila ako (hahaha!) patakbo na ko sa lugar na yun ng may isang batang babaeng sumagi sa paningin ko, andun lang sya sa tabi, nakatingin sakin. Di ko alam pero hinila ko sya sa lugar na yun at sabay kaming tumakbo.
Sa pagtakbo namin di ko namalayan na nakarating na pala kami sa kagubatan. Malalaking puno at eerie yung paligid. Maririnig mo lang ang huni ng mga ibon at kaluskos ng mga dahon ng naglalakihang puno. Tumigil ako sa pagtakbo dala ng pagod at hawak hawak ko padin sa kamay ang batang hinila ko kanina. Tumingin ako sa walang emosyon niyang mga mata at parang di man lang sya napagod sa haba ng tinakbo namin. Habang naglalakad kami sa di ko malamang lugar maririnig mo yung ingay ng tuyong dahon na naapakan namin. Bigla umaliwalas ung pakiramdam ko dahil sa pag-aakalang natakasan ko na ung mga taong humahabol samin. Pero may isang lalakeng tumatakbo papunta sa direksyon namin kaya tumabi kami, pagod na pagod ung lalaki at ng makalampas sya sa amin may isang lalaki pa palang humahabol sa kanya at ikinagulat ko na may dala dala syang malaking cross bow, iyong ginagamit sa pang hunting nga mga wild animals sa kagubatan. Napansin ko ang malaki at halos purong puting mga mata nya na may maliit na guhit ng itim sa gitna, matulis 'yung ilong nya at mahaba na kulot 'yung buhok. Lumampas lang sila samin at papunta sila sa gitna ng kagubatan na kung saan din kami patungo. Dahil sa ayaw kong madamay sa gulo, nagtago kami sa malaking puno at umakyat pa ako para makita kung ano na ang nangyari sa dalawang lalaking naghabulan. Nawala na sila sa paningin ko kaya I feel at ease. Sinenyasan ko 'yung batang kasama ko na dahan dahan siyang pumunta sa gawi ko na ginawa naman niya. Hinawakan ko ulit sya sa kamay at naglakad kaming naka-tip toed para di kami makagawa ng ingay. Sa paglalakad namin ay napansin ko ang isang malaking abandonadong lugar sa gitna ng kagubatan, kakaibang takot ang naramdaman ko dahil sa madilim nga ito at tanging liwanag lang mula sa araw na natatabunan naman ng naglalakihang dahon galing sa malalaking puno. Patuloy lang kami sa paglalakad ng makarating kami sa dead end. May malaking gate duon na kinakalawang. Higante ata ung nakatira dito dahil sa sobrang taas ng gate na di kayang akyatin ng tao. Pinagsisipa ko ung gate baka sakaling magbukas. Sabi ko sa batang kasama ko, kahit anong mangyari wag kang bibitaw sa kamay ko, tumango lang sya, nagtaka ako bakit di sya nagsasalita pero dinedma ko lang dahil mas mahalagang makatakas kami na di ko naman alam sino ang tinatakasan namin. Patuloy ako sa pagsipa sa malaking gate ng kinalabit ako ng batang kasama ko, paglingon ko, nakita ko na ung dalawang lalaking naghabulan kanina papunta sa direksyon namin. Kinilabutan ako dahil nakangiti pa silang dalawa at saka ko napagtanto na magkakampi pala sila at palabas lang ung pagpapatayan nila kanina. Sinadya nila yun para macorner kami dito at mahuli. Di ako sumuko sa pagsipa sa gate habang palingon lingon sa likod kung maabutan naba kami nang dalawang lalaki. Binuhos ko lahat ng lakas ko sa pagsipa at inaakalang mahuhuli na kami pero bigla bumukas ang gate! Nakakapangilabot pa ung tunog dahil parang may nagbukas nito mula sa loob. Nang makalabas kami sa lugar na yun, akala ko lang palang nakalabas kami dahil sa loob ng gate may isa pang basement. May isang lalakeng nagbbantay dito at hinayaan nya lang kaming dumaan sa harapan nya. Inisip ko na baka kakampi sya dahil tiningnan nya lang kami at bumabalik sa ginagawa nya. Bumababa kami sa basement at halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil may isang puting Lion palang nakakulong dun. Sinunggaban kami nito pero hindi nya kami sinaktan, dumaan lang sya sa gitna namin at natulala pa ako sandali sa nasilayan. Bigla tumawa ng nakakatakot ung isang lalaking nagbabantay kanina at akmang isasara ung pinto pero napigilan agad sya ng Lion kanina. Natumba ung lalaki at nagkaroon kami ng pagkakataong tumakas. Tahimik akong nagpasalamat sa Lion dahil tinulungan nya kami pero paglingon ko, naging dalawa ung batang babaeng kasama ko, nawala ung Lion na parang bula at naging dalawa ung bata!!! Nagtaka ako sa umpisa pero ipinagsawalang bahala ko nalang dahil mas mahalaga sa akin ang makauwi at makatakas sa lugar na ito. Hawak hawak ko na sa kamay ang dalawang batang kasama ko, sa kabilang parte kami ng lugar dumaan pero pader lang ang nandito at paparating na naman ung tatlong lalaki kanina. So, magkakampi sila! Hindi ko na alam pano makawala sa lugar na ito dahil parang nagpaikot ikot lang kami, hanggang sa naisip kong lumipad or lumutang. (Ginagawa ko kasi to kapag nananaginip ako ng masama at kapag wala na kong kawala, lumilipad ako hahaha!) Sinubukan kong lumutang para makatawid kami sa kabilang side ng malaking pader na yun. Hawak hawak ko parin sa kamay ang dalawang bata at mas nahirapan ako dahil mabigat sila. Mahirap lumipad kapag di sila marunong lumutang. Sabi ko, ""Pagbilang ko ng tatlo, lipad tayo. Isa.. Dalawa.. Tatlo! .."" Successful naman ang paglipad namin at nakahinga na ako ng mas maluwag.
Pero ang sandaling kaligayahan na naramdaman ko ay napalitan na naman ng kilabot dahil nasa harapan na naman namin ang tatlong lalaki. Napamura na ko sa kaba. Bakit di nila kami tinatantanan? Ano bang kailangan nyo sakin? Habang papalapit sila naisip ko na naman ang isang pagkatakas na malimit kong ginagawa sa ibang panaginip ko, invisibility. Yes po, nagagawa ko un sa ibang panaginip ko bilang pagkatakas. Minsan nga sinusubukan kong pumasok sa katawan ng mga hayop. Hahaha!
Nagfocus ako sa katawan naming tatlo para maging invisible kami. At nangyari naman dahil nilampasan lang kami nung tatlong lalaki pero saglit lang invisibility ko dahil nakita nila kami ulit! Aaarrrgghhh! Napasigaw na ako sa takot at napadasal nalang ng ama namin. Bakit hindi gumagana ang mga kakayahan kong tumakas sa panaginip nato? Bakit hindi ako magising katulad ng normal kong ginagawa kpag alam kong dehado nako sa panaginip ko? Habang nagdadasal binanggit ko ang pangalan ni Hesus. Na sana dumating na sya at ilayo nako sa bangungot na to. Maya maya pa nahawakan na ng dalawang lalaki ang mga batang kasama ko at akmang hahawakan na rin ako nung isang lalaki ng may liwanag na sumilaw sa aming lahat at nakita kong may nag-abot ng kamay sa kabilang pader. Nawala rin ang liwanag na ito at napalitan ng isang nakangiting mukha. Si Jesus naba sya? Dininig nya ba ang pagtawag ko? Natulala pa ako saglit dahil ang nakikitang kong mukha ay ang mukha ng taong gumanap na Hesus sa palabas. May parte sa akin na naniwalang sya si Hesus pero may parte rin sa akin na nagsasabing huwag akong maniwala dahil hindi sya ang totoong panginoon. Nakakatitig lang ako sa knya ng unti unti niyang iaabot sa kabilang side ng mataas na pader ang dalawang batang ksama ko. Napatingin ako sa dalawang bata pero nakatulala lang sila at naka V-Sign silang dalawa na nakatapat sa chin nila. Parang nahypnotize sila. Nagsasalita silang dalawa ng dasal na hindi ko maintindihan. Gusto ko silang abutin ulit pero hindi man lang sila gumagalaw at patuloy lang sa pagbanggit ng mga dasal. Hndi ko inabot ang kamay ng Hesus na yun at kusa akong sumampa sa pader pero laking gulat ko ng sa kabilang side na iyon ay ang milyon-milyong taong nakakulong sa bakal. Nakangiti sila ng nakakaloko sakin tulad ng ngiti ng tatlong lalaking humahabol sa amin. Nangilabot na naman ako dahil sabay sabay silang nagsalita ""Sa wakas nandito ka na rin. Isa kana sa amin. At hindi kana makakawala. Ha ha ha!"" Feeling ko katapusan ko na. Hindi na ako magigising. Hindi na ako makakawala sa panaginip na ito kahit anong gawin ko. Pero may kung ano sa akin na nagsasabing huwag mawalan ng pag-asa. Kaya para matauhan ang dalawang batang kasama ko, sinampal ko ang isa at tinulak ko naman pababa ang isang bata pabalik sa side na pinanggalingan namin at bumalik na silang dalawa sa ulirat. Akmang tatalon na ako pabalik ng may malakas na enerhiya akong naramdaman. Wala akong nakikitang kahit ano pero pakiramdam ko may dumating. Nangilabot ako hindi dahil sa takot kundi dahil sa pakiramdam na safe na ako. Nangtuluyan na akong makababa hinawakan ko ulit sa kamay ang dalawang bata nang may marinig kaming malalim at sobrang makapangyarihang tinig. Malamig ito at mararamdaman mo ang kapangyarihan sa boses nya
Sabi nya wag kami matakot kasi dumating na siya, wala kayong dapat katakutan kasi nandito ako, nandto ako lagi para sa inyo. Tapos nakita ko nagliwanag kaming tatlo, tapos bigla akong lumaki, lumiit yung mga kalaban at nasisilaw sila sakin, hindi sila makalapit, paglingon ko nawala na ung dalawang batang babae, parang naging isa kami. Taas noo akong lumabas sa gubat na iyon na parang higante at nakakasilaw ang liwanag hanggang sa tuluyan na nga akong makalabas sa lugar na iyon ng ligtas. At saka ako nagising.
-I still can't believe na I experience something like that. Nagpasalamat ako sa sarili ko dahil nagtiwala ako sa intuition ko at lalo na kay God/Universe/Source in a way ng pagpapakila nya sakin. Since then I became serious about spirituality and realized how powerful and loved I am with God.
Ps. I didn't harm any catholic beliefs about Jesus, I believed na isa siya sa ascended masters pero lumabas sya sa panaginip ko as fake Jesus, ung mukha ng Jesus na nasa palabas. Un po ang sinasabing fake Jesus. Hehe
Thank you!
"---
Want to share your story?
Submit yours here: https://bit.ly/ANSPHConfessionsEntry