Jun Villanueva, Godebirth Health & Wellness

Jun Villanueva, Godebirth Health & Wellness Herbalist, PT/PTA, Life coach, Thanatologist, Master Naturalist & studying Naturopathic medicine đź’¦

05/24/2025

Thank you Lord for the wisdom. Nakaraos sa exam today at nakalulang tuition fee.

Bilang isang herbalist at nag-aaral ng Naturopathy sa ngayon sa abroad pero hindi lahat ng herbal treatment lalo ito ay ...
05/09/2025

Bilang isang herbalist at nag-aaral ng Naturopathy sa ngayon sa abroad pero hindi lahat ng herbal treatment lalo ito ay natural at nanggaling sa kalikasan ay masama at meron din mga ilang pag-aaral at patunay na mabisa ang mga ito halimbawa ang sampung herbal remedies na aprubado ng DOH

1. Lagundi (Vitex negundo)
Ginagamit para sa ubo, hika, at lagnat. Aprubado ng DOH at may pag-aaral na nagpapakita ng bronchodilator at anti-inflammatory effects. Ligtas gamitin sa tamang dosis, ngunit iwasan sa buntis maliban kung may gabay ng doktor.

2. Sambong (Blumea balsamifera)
Ginagamit bilang natural na diuretic para sa high blood pressure at para matulungan ang pag-ihi sa may kidney stones. Aprubado ng DOH. May ebidensyang nagpapakita ng mild diuretic effect. Hindi inirerekomenda kung may dehydration o malubhang kidney problem.

3. Tsaang Gubat (Ehretia microphylla)
Para sa pananakit ng tiyan at pagtatae. May antimicrobial at antidiarrheal properties. Mainam gawing tsaa. Huwag inumin nang sobra-sobra dahil may tannins na maaaring makairita sa tiyan.

4. Akapulko (Cassia alata)
Panlaban sa fungal infections tulad ng galis at an-an. Panlabas ang gamit nito lamang. May natural na antifungal compound (chrysophanic acid). Hindi dapat inumin o gamitin sa open wounds.

5. Bayabas (Guava)
Ginagamit sa pagpapagaling ng sugat, pangmumog sa sore throat o gingivitis, at panlaban sa pagtatae. May malakas na antimicrobial properties. Pwede ring gamitin bilang antiseptic wash.

6. Niyog-niyogan (Quisqualis indica)
Tradisyunal na halamang-gamot laban sa bulate. Kadalasang kinakain ang buto matapos linisin at lutuin ng tama. Dapat iwasan ang sobra dahil maaari itong magdulot ng toxicity.

7. Ulasimang Bato / Pansit-pansitan (Peperomia pellucida)
Para sa rayuma at gout. May mga pag-aaral na nagpapakita ng kakayahan nitong pababain ang uric acid. Karaniwang ginagawa itong salad o iniinom bilang tsaa.

8. Yerba Buena (Clinopodium douglasii)
Ginagamit para sa pananakit ng katawan, kabag, at rayuma. Mainam bilang pain reliever o pampaluwag ng tiyan. Pwede itong gawing tsaa o pangmasahe (oil infusion). Hindi para sa buntis o nagpapasuso nang walang tamang gabay.

9. Bawang (Garlic)
Bukod sa pampalasa, ginagamit din ito para sa high blood pressure at cholesterol. May antimicrobial at blood-thinning effects. Kapag sobra ang konsumo, maaaring magdulot ng problema sa pagdurugo.

10. Ampalaya (Bitter Gourd)
Ginagamit para sa mga may diabetes dahil nakakatulong ito sa pagpapababa ng blood sugar. May clinical support, pero dapat sabayan ng regular na monitoring ng sugar levels upang maiwasan ang sobrang pagbaba.

At Heto pa ang iilang halimbawa ng herbal at natural treatments na may sapat na ebidensya mula sa clinical research:

⸻

11. Turmeric (Curcumin)
• Epekto: Anti-inflammatory, antioxidant
• May ebidensya sa: Arthritis, metabolic syndrome, at ilang digestive issues
• Clinical studies: Nakikitang nakakabawas ng pamamaga at pananakit sa osteoarthritis (comparable sa ibuprofen sa ilang pag-aaral)

⸻

12. Ginger
• Epekto: Anti-nausea, anti-inflammatory
• May ebidensya sa: Motion sickness, morning sickness sa buntis, at pagkalula mula sa chemotherapy
• Clinical studies: Safe at effective bilang pampawala ng pagsusuka

⸻

13. Peppermint Oil
• Epekto: Muscle relaxant (lalo sa gastrointestinal tract)
• May ebidensya sa: Irritable Bowel Syndrome (IBS)
• Clinical studies: Nakakatulong sa sintomas ng bloating at abdominal pain

⸻

14. St. John’s Wort
• Epekto: Antidepressant-like action
• May ebidensya sa: Mild to moderate depression
• Babala: May malalakas na drug interactions lalo sa birth control, anti-HIV meds, at antidepressants.

⸻

15. Omega-3 Fatty Acids (Fish Oil)
• Epekto: Anti-inflammatory, cardiovascular support
• May ebidensya sa: Heart disease prevention, mood regulation (depression)
• Note: Hindi ito strictly “herbal,” pero bahagi ito ng naturopathic approach

⸻

16. Probiotics
• Epekto: Gut microbiota balance
• May ebidensya sa: Diarrhea, IBS, at pag-recover ng gut flora after antibiotics

⸻

17. Ashwagandha
• Epekto: Adaptogen (stress reduction)
• May ebidensya sa: Cortisol reduction, anxiety management, energy support
• Clinical studies: May positibong epekto sa stress at sleep quality

⸻

18. Acupuncture (naturopathic adjunct)
• May ebidensya sa: Chronic pain, migraine, anxiety, and post-operative nausea

Sana makatulong eto sa ating mga kababayan maintindihan nila ang kahalagahan ng natural na gamutan, tamang diet, ehersisyo, at pag-iwas sa mga bisyo.

~ Yong Villanueva 🌿

“Let food be thy medicine and medicine be thy food”(Hippocrates)

05/06/2025

Gluo Pharmacy, Brgy. MABILO, Kalibo, Aklan

Salamat Papa G for the wisdom this is a good start for this year.  More way to go 👍Happy Epiphany - Collège des Médecine...
01/04/2025

Salamat Papa G for the wisdom this is a good start for this year. More way to go 👍

Happy Epiphany - Collège des Médecines Douces du Québec - CMDQ 👑👑👑
~ Jun Villanueva, Naturopath student

Stop over ✋ at the Vatican City 🇻🇦 Finding Pope Francis
10/10/2024

Stop over ✋ at the Vatican City 🇻🇦 Finding Pope Francis

Magandang araw Vatican City 🇻🇦 Enjoying the solemnity of the sacred place while sipping a cup of tea 🫖
10/08/2024

Magandang araw Vatican City 🇻🇦 Enjoying the solemnity of the sacred place while sipping a cup of tea 🫖

Thank you 🙏 Papa G and Mama M for the wisdom
10/07/2024

Thank you 🙏 Papa G and Mama M for the wisdom

Address

Jamie Cardinal Sin Avenue, Brgy. Mabilo, Kalibo
Aklan
5600

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 6pm
Saturday 9am - 6pm
Sunday 9am - 6pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jun Villanueva, Godebirth Health & Wellness posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Jun Villanueva, Godebirth Health & Wellness:

  • Want your practice to be the top-listed Clinic in Aklan?

Share