09/08/2025
Sama-sama Tayong Labanan ang Dengue!๐ฆ
Bilang bahagi ng ating kampanya para sa kaligtasan at kalusugan ng bawat isa, matagumpay nating isinagawa ang Dengue Awareness Campaign sa mga paaralan, kung saan hindi lang mga estudyante ang natutoโkasama rin natin ang kanilang mga magulang sa pag-aaral kung paano makaiwas sa sakit na dulot ng lamok.
Sa pamamagitan ng masayang talakayan at pagbabahagi ng mga simpleng hakbang:
โ
Linisin ang kapaligiran โ Itapon ang mga bagay na maaaring pamugaran ng lamok gaya ng lumang gulong, lata, at bote.
โ
Takpan ang mga lalagyan ng tubig โ Huwag hayaang mamuo ang tubig-ulan.
โ
Magsuot ng mahahabang damit
โ
Gumamit ng mosquito repellent at kulambo โ Lalo na sa gabi at tuwing natutulog.
โ
Magpa-konsulta agad kapag may lagnat na tumatagal ng higit sa 2 araw, pananakit ng katawan, at rashes.
Ang ating pagkilos ngayon ay hakbang para sa mas ligtas na kinabukasan ng ating mga anak at pamilya. Sa tulong ng mga g**o, magulang, at kabataan, patuloy nating itataguyod ang isang malinis, ligtas, at dengue-free na komunidad. ๐
๐ Tandaan: Sa paglilinis at pagkakaisa, dengue ay mawawala!