06/01/2023
PAALALA SA MGA PAGKAING MATATABA AT MATATAMIS:
NAGBABALA ANG Tanggapan ng City Health Office sa mga mamamayan na mahilig kumain ng matataba at matatamis lalo pa noong panahon ng nakaraang kapaskuhan.
Ayon sa mga health experts, ang matatamis na pagkain gayundin ang mga masyadong mamantika ay maaring makapagdulot ng sakit tulad ng altapresyon at diabetes.
Bagamat hindi ipinagbabawal ang naturang mga pagkain, subalit kapag nasobrahan ay mapanganib sa katawan lalo pa sa mga nagkakaedad.
Karaniwan na sa mga Pilipino ang paghahanda ng maraming pagkain tuwing kapaskuhan.
Sa mga kababayan na nagkakaedad ng 40 pataas ay dapat mag-ingat at bawas-bawasan ang mga ganitong pagkain.
Para sa anumang mga katanungan ukol sa pagsusuri at konsultasyon, tumawag lamang po sa KNR Diagnostic Center (0998-939-7194) o bumisita sa 1900-D P. Burgos cor. Henson Sts., Brgy. Agapito Del Rosario, Angeles City (Monday to Saturday : 6 am to 6 pm)
"Keeping You Well"