
11/02/2024
May BUKOL ka ba sa SUSO?
MGA BENIGN (HINDI CANCEROUS) NA BUKOL SA SUSO
1. ABSCESS -- pigsa
2. CYST – bukol na likido ang laman
3. FIBROADENOMA/FIBROADENOMATOSIS – bukol na binubuo ng mga hiblang parang peklat (fibrosis) at glandula ng suso (mammary o milk glands)
4. FIBROCYSTIC CHANGES – bukol-bukol na binubuo ng magkahalong fibrosis at cysts tulad ng nabanggit; kadalasang mas nararamdaman sa panahon ng pagreregla na maaari ring may kasamang pagkirot dahil sa mga pagbabago sa lebel ng hormones ng mga babae
KANSER SA SUSO O BREAST CANCER
Anu-ano ang mga posibleng sintomas ng BREAST CANCER na kailangang patignan agad sa doktor?
1. Pangangapal ng suso
2. Pagkakaroon ng iregular na hugis ng suso dahil sa pagkahatak paloob ng balat at laman
3. Pagnipis at pagkasugat ng balat na hindi gumagaling
4. Pamumula o mainit na pakiramdam sa suso na hindi gumagaling
5. Paglabas ng likido (kadalasang may bahid ng dugo) mula sa ni**le o utong
6. Pagkakaroon ng parang "dimples" sa balat ng suso
7. Bukol, lalo na iyong lumalaki, matigas, iregular ang hugis o hindi naigagalaw kapag kinakapa
8. Paghatak paloob o pagbaliktad ng utong
9. Pagbabago sa hugis o sukat ng suso
10. Balat na parang sa kahel o dalandan
11. Kulani o lymph node sa kili-kili lalo na iyong matigas at hindi naigagalaw kapag kinakapa
Kung may mapansin na kakaiba o bukol agad na mag pa check up at agapan ito hanggat maaga 👍