Ateneo Doctors in Calawis - ADC

Ateneo Doctors in Calawis - ADC Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ateneo Doctors in Calawis - ADC, Medical and health, Barangay Calawis, Antipolo.

Magandang umaga po! 🌞 Nakikiisa po kami sa anibersaryo ng Antipolo! At dahil special non-working holiday po ngayon, pans...
04/04/2023

Magandang umaga po! 🌞

Nakikiisa po kami sa anibersaryo ng Antipolo! At dahil special non-working holiday po ngayon, pansamantala po munang magsasara ang Calawis Health Center.

Maraming salamat po sa pag-unawa! Kitakits po bukas ng umaga! β˜ΊοΈπŸ’™

Nakikiisa ang buong Pamahalaang Lungsod sa paggunita ng Ika-25 Anibersaryo ng Pagiging Lungsod ng Antipolo ngayong araw. Mabuhay ang Antipolo City!

01/03/2023

Ano ang tigdas o yung tinatawag nating measles? Alamin natin ang mga sintomas at paano natin maiwasan o maigamot ito!

Video by: Lec 14 at Lec 15 ng Batch 2023 ng Ateneo School of Medicine and Public Health

Lagnat? Ubo? Sipon? Andaming maaaring sanhi ng mga karamdamang ito lalo na't kung apektado ang ating mga anak. Isa sa mg...
23/02/2023

Lagnat? Ubo? Sipon? Andaming maaaring sanhi ng mga karamdamang ito lalo na't kung apektado ang ating mga anak. Isa sa mga ito ay ang tigdas.

Sa panahon ngayon, mahalagang alerto tayo sa mga karamdaman ng ating mga chikiting. Alamin kung paano sugpuin ang Tigdas.

Lakas ng Tigdas, May Wakas!

Paalala: Wag mag atubili magpa-check up sa doktor kung nararanasan ng inyong anak ang kung alinman sa mga senyales at sintomas na nabanggit sa baba.

[CALAWIS HEALTH CARAVAN] - Proyekto ng Barangay Health Center at mga doktor galing sa AteneoMagandang araw sa mga mamama...
22/11/2022

[CALAWIS HEALTH CARAVAN] - Proyekto ng Barangay Health Center at mga doktor galing sa Ateneo

Magandang araw sa mga mamamayan ng Calawis. Iniimbita namin kayo sa aming health caravan na tinatawag na "Alaga Ko Sarili Ko." sa darating na biyernes (November 22, 2022).

Mayroon po kaming LIBRENG check-up at gamutan para sa altapresyon (high blood) at dyabetis. Balak po namin buhayin ang "hypertension and diabetes club" ng Calawis para masigurado na ang mga nangangailangan ay may libreng gamot.

Sa proyekto na ito, binibigyan-diin namin ang holistic o buo na kalusugan. Alamin kung paano nating mas maaalagaan ang ating sarili sa pamamagitan ng espiritwal, pisikal, intelektwal, relational, at emosyonal wellness.

Kitakits tayo sa Brgy. Calawis, Barangay Hall. 1:30 PM.

[KOMIKS PANGKALUSUGAN]Alamin natin kung ano ang ALTAPRESYON o HIGH BLOOD at kung paano iwasan ito :DMay tanong po ba tun...
19/11/2022

[KOMIKS PANGKALUSUGAN]

Alamin natin kung ano ang ALTAPRESYON o HIGH BLOOD at kung paano iwasan ito :D

May tanong po ba tungkol sa HIGH BLOOD o kung paano makakuha ng libreng gamot o maintenance? Mag chat lang po kayo saamin dito sa Ateneo Doctors in Calawis - ADIC o magbisita sa Brgy. Calawis Health Center sa tabi ng covered court.

Kitakits tayo!

Maligayang pagdating sa official page ng Barangay Calawis Health Center. Sa pagtutulungan ng mga doktor galing ...
15/11/2022

Maligayang pagdating sa official page ng Barangay Calawis Health Center. Sa pagtutulungan ng mga doktor galing sa Ateneo School of Medicine and Public Health, nabuo namin ang page na ito para sa mga mamamayan ng Calawis.

Plano namin gamitin ito sa pagbabahagi ng iba't-ibang impormasyon tungkol sa mga sakit. Dito rin namin ipapahayag ang iskedyul ng mga espesyal na ganap o proyekto ng Health Center.

Maaari niyo rin kaming kontakin dito kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa inyong karamdaman. Mabuhay sa mga mamamayan ng Cawalis!

Address

Barangay Calawis
Antipolo
1870

Opening Hours

Monday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ateneo Doctors in Calawis - ADC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share