15/06/2020
Pabalik-balik lang ba ang problema natin sa ating kalusugan?
Kapansin-pansin na ang pagdami at pabata na ng pabata ang mga taong nagkakaproblema sa kalusugan na may kinalaman sa metabolic syndrome o obesity tulad ng heart disease, lipid problems, hypertension, type 2 diabetes, demensia, cancer, polysistic ovarian syndrome and non-alcoholic fatty liver.
Marami ang mga nag-ooffer ng mga food supplement na nagke-claim na napapagaling ng mga karamdamang ito. Marami ding nagtetestimoniya na umiigi ang kanilang karamdaman sa paggamit ng mga food supplement na ito. Subali't madalas sinasabi sa kanilang na advertisement na " Ang pag-inom ng food supplement ay may kaakibat na healthy and active lifestyle para maging epektibo ito sa ating kalusugan". Ang ibig sabihin nito ay kailangan nating ayusin ang ating lifestyle o maging maayos dapat ang pamamaraan ng pag-aalaga ng ating katawan habang umiinom tayo ng food supplement na ito. In short, nawawalan ng saysay ang food supplement kung hindi natin aayusin ang ating lifestyle..
Halimbawa, paano mai-aayos ng food supplement o medisina na mapababa ang ating cholesterol at hypertension kung sobra-sobra ang kinakain nating matataba at mamantikang pagkain kaysa sa inilalabas ng ating katawan. Paano maayos ang ating blood sugar kung sobra-sobrang carbohydrates ang ating kakainin tulad kanin, tinapay, noodles, colored drinks, prutas, gulay, kakanin at iba pa na nagiging sugar sa ating katawan na hindi naman kayang sunugin ng ating katawan. Ma-aayos ba natin ang ating gout kung hindi natin lilimitahan o iiwasan nating kumain ng mga pagkain may mga uric acid tulad ng beans, nuts, laman loob ng hayop at iba pa. Paano ma-aayos ang ating stress kung hindi tayo magpapahinga ng sapat.
Isa lang naman ang solusyon para maiwasan ang metabolic syndrome.. Just learn how to manage our food we eat, drink enough water, enough sleep and 20% exercise..