11/11/2022
Good day po mga endo warriors. Share ko Lang po briefly ang endo-journey ko.🙂
Last June 2022, I had the greatest blessing received. I got pregnant and I was very thankful to Lord even though there are hardships I was blessed with a baby.😊 However, nadiagnose po ako ng endometriosis. Sabi ng OB ko, maselan at risky ang case ko, but miracle na may nabuo na baby. Nagpaultrasound pa ako 2 beses to assure na may heartbeat ang baby ko around July. Ang saya ko talaga non kasi may heartbeat sya.❤️
Then, last September 1, nagspotting ako. Akala ko konti Lang. Hanggang sa brown spotting led to bleeding na. Nagpadala na po ako sa ospital non kasi biglang tuloy2x yung pagdugo. Nagdasal ako, kinausap ko baby ko na kumapit pero nakunan po ako. 🥺 Niraspa ako nong September 2. Sabi ng OB ko, ang daming factors ng miscarriage ko, like endometriosis primarily, pagod, stress. Sobrang sakit. Nawala mama ko 5 years ago, naguho mundo ko. Pero mas higit pa pala ang sakit pag sarili mong anak ang nawala sa iyo.😭 nagdasal ako kay Lord kahit masakit, masama loob ko, na alalayan Niya ako para sa pamilya ko. Struggle everyday kasi gusto mong isipin na masamang panaginip Lang ang lahat pero kelangan ko pa din tanggapin ang katotohanan para makapagmove forward.☹️
Nagpacheck-up ulit ako sa OB ko last October. Need ko ulit magpaultrasound para macheck if ano na status ng endometrial cysts ko. Within 3rd to 7th day ng menstruation ko ng November ang transvaginal ultrasound. Don malalaman if anong meds ang irereseta sa akin.
So kanina nagpaultrasound ako, thank you Lord sobra sobra at lumiit Yung cyst ko 😊❤️🙏. Nag-attach ako ng pictures for reference ninyo. Sa left o***y ko last September 2, 4.0 cm pa Yung cyst then naging 3.0 cm sya this November. (Tinakpan ko ibang details for security 😊). Super thank you kay Lord! Pati mga saints at angels dinasalan ko na talaga 😊🙏 Kelangan talaga malakas ang pananalig mo at healthy diet. Iwasan ang kape, softdrinks, alcoholic drinks, red meat, gluten, sugar, kung di matiis, limit lang talaga.
Thank you din Sante Barley! Super effective! Kahit online seller po ako, Hindi ko po kayo pinipilit bumili. Gusto ko lang ishare na sa akin po talaga super effective. Syempre nong una doubtful ako pero ang ganda po nya sa immune system talaga, labas lahat ng toxins.👍 unang inom ko nilabas nya Yung blood clots ko after maraspa, then sa 1st menstruation ko, ganon din, na medyo nagworry ako pero guminhawa pakiramdam ko.😊 Nailabas yung dead blood na sinasabing obstructive.
Maganda din sa katawan ang turmeric tea. Isa sa mga naging cause ng stress ko sumasakit puson ko at dumating sa point nong September to October na halos everyday meron akong spotting or bleeding. Tapos by 3rd week of October biglang nawala na Yung spotting.❤️🙏
Ang ginagawa ko before breakfast, turmeric tea muna isang teaspoon sa isang tasa with pinch ng paminta. After 30 mins, Sante Barley naman. Isang sachet ng powder sa isang basong tubig (lukewarm or cold, wag mainit) After 30 mins ulit, saka ako kakain. Sa tanghali, magSante Barley ako 30 mins bago maglunch. Sa gabi naman, turmeric tea 30 mins bago ako magdinner.
Ayun I hope makatulong sa inyo. Healthy diet at prayers pa rin ang pinakamahalaga. Vitamins ko Ferrous Sulfate At PotenCee. Wala pa akong meds na tinetake ulit.😊 God bless sa inyo ❤️🙏