Doc Kavin B. Habiling - Internal Medicine

Doc Kavin B. Habiling - Internal Medicine Internal Medicine-Adult Disease Specialist
Health Promotion - Disease Prevention and Control

24/09/2025

Mahangin ba ang inyong tyan (bloatedness), Dighay ng dighay (burping), Hindi maipaliwanag na sakit o init sa dibdib at mabilis na tibok ng puso (heartburn and palpitation) at maasim na lasa sa lalamuman?

May GERD! Baka GERD yan o GastroEsophageal Reflux Disease.

23/09/2025

Masyadong bang Mabula ang inyong Ihi , Nagmamanas at Tumataas ang Blood pressure?
Maaring senyales ng sakit sa Kidneys yan.

22/09/2025

Mga Sakit na Walang Sintomas o Senyales: Hypertension (High Blood Pressure), Diabetes, Early stages of Chronic Kidney Disease, High Cholesterol

Mga Komplikasyon ng mga Nasabing Sakit at may Sintomas: Stroke, Heart Attack, Kidney Failure, Heart Failure

Huwag na sana natin Hintayin ang Komplikasyon. Tandaan! Kapag may Sintomas, baka Huli na ang Lahat.

20/09/2025

Natutuwa ba tayo na lumalaki o dumarami ang mga Hospital at pasilidad ng mga Kidney center, Dialysis center, Stroke center, Heart center, Cancer center at Lung center?

Kapag lumalaki, ibig sabihin Dumadami ang nagkakasakit.
Unti-untihin nating bawasan ang mga mga napupunta sa mga nasabing pagamutan. Simulan natin sa bawat tahanan.

๐ŸฉบUgaliing magpacheck-up kahit walang nararamdaman, isang beses sa isang taon.
๐Ÿ“†Magfollow-up sa itinakdang panahon.
๐Ÿง‘โ€๐Ÿง‘โ€๐Ÿง’โ€๐Ÿง’Alamin ang mga sakit sa inyong Pamilya.
๐Ÿ’ŠIpagpatuloy ang maintenance na gamot.
๐Ÿฅ—Kumain ng tama at galaw galaw araw araw.
๐ŸšญItigil ang paninigarilyo at bawasan ang pagInom ng Alak.

๐ŸงItanong mo kay Dok. Maging Matalinong pasyente kasi Healthy ang may Alam!

19/09/2025

Paalala sa mga iniinom lng ang kanilang Maintenance kapag may nararamdaman:
Baka sa susunod na may maramdaman ka ay hindi mo na kayang abutin ang inyong gamot.

17/09/2025

Paalala ni Dok!
Matagal ka na ba nakaMetformin pero matagal ka ring Hindi nagFollow-up kay Dok? Alam mo ba na pinagbaBawal ang Metformin sa mga may Diabetes na may lumalalang sakit sa Kidneys?

17/09/2025

Magandang Aral mga kaBagis!
Chronic vs Acute
Ang Chronic โ€œMatagal naโ€ vs Acute o โ€œBiglaanโ€. Halimbawa, Chronic Kidney Disease vs Acute Kidney Injury

Nu adda ti kabsat tayo nga Amputee dita Cordillera region
08/09/2025

Nu adda ti kabsat tayo nga Amputee dita Cordillera region

๐—œ๐—™ ๐—ฌ๐—ข๐—จ ๐—”๐—ฅ๐—˜ ๐—”๐—ก ๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ง๐—˜๐—˜ (๐—•๐—ฒ๐—น๐—ผ๐˜„ ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ธ๐—ป๐—ฒ๐—ฒ), ๐˜†๐—ผ๐˜‚ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ถ๐—น ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ณ๐—ผ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„๐—ถ๐—ป๐—ด:
- Checkup
- Measuring
- Fitting
- Installing

๐—™๐—ผ๐—ฟ ๐˜€๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด/๐—ถ๐—ป๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฟ๐˜†, ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฐ๐˜: ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿฒ๐Ÿฑ ๐Ÿฐ๐Ÿณ๐Ÿฌ ๐Ÿฎ๐Ÿต๐Ÿฌ๐Ÿณ
and provide the following information:
Name:
Address:
Age:
What limb is affected:

Note: Open to all Baguio and Cordillera Residents
In partnership with Instalimb.

08/09/2025

Paalala po sa mga magulang na ayaw ipaBakuna ang kanilang mga anak; Hindi kayo ang maghihirap kapag ang anak nyo ay naTyempohan ng Komplikasyon dulot ng simpleng Impeksyon na pwede naman maagapan ng Bakuna. Sumangguni sa mga Health professionals kung may katanungan tungkol sa Bakuna. Tandaan! Ang mga anak ng Congressman ay pinapabakuna dahil takot sila sa sakit, tayo pa kayang mahihirap na takot sa sakit at utang? Libre naman ang bakuna sa ating mga heath centers.

02/09/2025

The Doctor is IN!
Clinic TODAY @ 9 am to 4 pm & Thursday @ 9 am to 11 am
๐Ÿ“Lagawe, Ifugao GoPrecision Ifugao Ultrasound Clinic.

02/09/2025

Kabsat! Kumukulo na ba ang Dugo natin dahil sa mga Isyu ng Korapsyon at maanomalyang Flood Control projects? Pwedeng Tumaas ang Blood Pressure mo Uncle. Huwag kalimutan ang Maintenance at Follow-up. Paala ni dok; madalas sa Lamay lng bumibisita si Congtractor, hindi sa Ospital.๐Ÿ˜โœŒ๏ธ

28/08/2025

Iwasan ang pag inom ng mga NSAIDs (Nonsteroidal Anti-inflammatory Drugs) kapag ikaw ay Suspected o Kompirmadong may Dengue fever. Maari nitong mapaBaba ang Platelet na nagiging sanhi ng pagDurugo. Halimbawa ng mga NSAIDs ay Ibuprofen, Aspirin, Diclofenac, Naproxen, Celecoxib at Iba pa. Ang Paracetamol ay sapat na, sa sakit na inyong nararamdaman. Tandaan, Healthy ang may Alam!

Address

Baguio City
2600

Opening Hours

Monday 10am - 5pm
Tuesday 10am - 5pm
Wednesday 10am - 5pm
Thursday 1pm - 5pm
Friday 1pm - 5pm
Saturday 1pm - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Kavin B. Habiling - Internal Medicine posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram