Barangay Lote Pto. Rivas

Barangay Lote Pto. Rivas Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Lote Pto. Rivas, Medical and health, Lacson Street Lote Pto. Rivas, Balanga.

01/03/2025
25/02/2025

Para sa tamang growth and development ni baby, mahalaga na siya'y makatanggap ng breast milk hanggang unang dalawang taon nito. Ngunit, ALAM NIYO BA? Kailangan din ni baby na mabigyan ng karagdagang pagkain maliban sa gatas ng ina kapag siya ay nasa angkop na gulang.

Ang mga sanggol na nasa anim na buwan o mahigit ay kinakailangan nang dagdagan ang kanilang pagkukunan ng nutrisyon at enerhiya. Ang tawag sa prosesong ito ay "complementary feeding".

Sa prosesong ito, kinakailangan pa rin isaalang-alang ang mga sumusunod:

1. Dalas - dapat isaalang-alang ang tamang panahon kung kailan dapat bigyan ng dagdag pagkain ang isang sanggol.

2. Sapat - sa paglipas ng panahon ay hindi na nagiging sapat ang breast milk lamang, gayundin ang isang klase lamang ng pagkain sa pagbibigay ng nutrisyon at enerhiya. Kung kaya't kinakailangan na unti-unting dinadagdagan ang mga binibigay na pagkain kay baby.

3. Ligtas - dahil kinukumpleto pa lamang ang proteksyon ni baby, kinakailangang ligtas karagdagang pagkain na ibibigay sa kanya, pati na ang prosesyo ng kaniyang pagdede kay nanay.

Tandaan, ang tamang nutrisyon para kay baby ay magbibigay ng magandang resulta hanggang sa kaniyang paglaki.

25/02/2025
25/02/2025

ALAM NIYO BA?
Cancer ang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa buong mundo, ayon sa World Health Organization (WHO). Ngayong National Cancer Awareness Month, ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office ang kahalagahan ng maagang pagtuklas kung ikaw ay mayroong sakit na cancer.

Ang cancer ay maaaring maagapan sa tulong ng mga eksperto gamit ang iba't-ibang pamamaraan gaya ng pag-inom ng gamot, operasyon, radiotherapy, at chemotherapy.

Ayon sa mga eksperto, mas madaling magamot ang cancer kapag ikaw ay dumaan sa tamang pagsusuri. May tatlong bahagi ng pagsusuri:
1. Alamin ang mga sintomas - huwag baliwalain ang mga nararamdamang kakaiba sa inyong pangangatawan.
2. Sumailalim sa tama at wastong clinical evaluation, diagnosis, at staging;
3. Sumailalim sa agarang gamutan

Ngarong araw, ika-4 ng Pebrero, ay ipinagdiriwang din natin ang World Cancer Day. Bigyang pansin ang inyong kalusugan, agapan ng mas maaga ang nararamdaman bago pa mahuli ang lahat. Umiwas sa alak, sigarilyo at v**e. Sama-sama tayo sa pagkamit ng malusog na pangangatawan para sa mas matibay na pamilyang Bataeño.


25/02/2025

PAALALA: Dahil sa nadadagdag na bilang ng kaso ng mga natatamaan ng Dengue, muling ipinaaalala ng Bataan Provincial Health Office ang pinakamabisang paraan laban sa nakamamatay na sakit:

Sundin ang 5S upang Dengue ay maiwasan:
1. Suyurin at sirain ang mga pinamumugaran ng mga lamok
2. Sarili ay protektahan laban sa lamok
3. Sumangguni agad sa pinakamalapit na pagamutan sakaling may nararamdaman
4. Sumuporta sa pagpapausok kapag may banta ng outbreak
5. Siguraduhin na sapat ang pag-inom ng malinis na tubig

Panatilihing malinis at tuyo ang inyong kapaligiran upang ito'y maiwasang pamugaran ng lamok at kiti-kiti. Ugaliing gawin ang 'search and destroy' sa loob at labas ng inyong bahay dahil ito pa rin ang pinakamabisang paraan upang tuluyang mawala ang mga lamok sa inyong mga tahanan. Magsuot ng mga maliliwanag at mahahabang damit; gayundin ay iwasan ang paglalagi sa mga madidilim na lugar.

Tandaan, ang dengue ay sakit na dulot ng kagat ng infected na lamok na kadalasang nauuwi sa kamatayan. Sanayin ang kalinisan, maging responsable, alagaan ang sarili laban sa kagat ng lamok.

Sama-sama tayo sa pagsugpo sa sakit na dengue. Gawing ligtas ang ating komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


25/02/2025

Para sa proteksyon ng kalusugan at seguridad ng mas maayos na kinabukasan, patuloy ang paalala ng Provincial Health Office na kumpletuhin ang bakuna ng inyong mga anak. Narito ang recommended schedule ng mga bakunang kinakailangan nilang matanggap ayon sa kanilang edad.

Ang mga ito ay magbibigay sa kanila ng proteksyon laban sa ilang mga malulubhang sakit gaya na lamang ng polio, measles, mumps, rubella, at iba pa. Ito ay napatunayan nang epektibo at ligtas.

Kaya't patuloy pa rin ang mas pinaigting pang pagbibigay ng routine vaccine ng mga health workers dito sa lalawigan ng Bataan para sa mga bata. Makipagugnayan sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar ukol dito.

Sama-sama tayo sa pagpapataas ng bilang ng mga batang protektado para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


24/02/2025

ALAM NIYO BA?
Ipinagdiriwang ang Autism Consciousness Week ngayong ikatlong linggo ng Enero.

Ang autism o kilala rin bilang autism spectrum disorder (ASD) ay ang iba't-ibang kundisyon na may kinalaman sa brain development ng bata. Ang mga sintomas na nagpapakita ng pagkakaroon ng ASD ay maaaring makita sa early childhood o ang yugto ng pagkabata mula sa pagkapanganak hanggang sa ito'y magtatlong taong gulang.

Ito ay panghabang-buhay na kundisyon kung saan ang mga taong mayroon nito ay kumikilos, natututo, at nakikisalamuha sa paraang iba sa normal na kilos ng tao. Ngunit, ang kakayahan na kanilang ipinapakita ay magkakaiba. May mga pagkakataong ang mga may ASD ay maaaring magpakita ng mga advanced skills habang ang iba naman ay mas mabagal matuto kumpara sa normal.

Ang pinakamaagang pagtuklas kung ang isang bata ay mayroon nito ay magdudulot ng wasto at maayos na paraan ng pamumuhay nito. Huwang baliwalain ang mga ipinapakitang sintomas. Magpakonsulta sa eksperto sakaling makakita ng kakaibang pagkilos sa inyong mga anak.

Sanayin ang pag-unawa, pagtanggap, at pagpapakita ng habag sa ating mga kapatid na may ASD. Tulad ng sinuman, sila rin ay may karapatang mamuhay ng normal, kaya't sama-sama tayo sa pagkamit ng matatag at may habag na pamilyang Bataeño.


24/02/2025

ALAM NIYO BA?
Isa sa mga karaniwang uri ng malnutrisyon ay ang iron deficiency o ang kakulangan ng supply ng iron sa dugo na nauuwi sa anemia, isang sakit sa dugo na ang mga sintomas ay pagiging matamlay, fatigue, pagkahina at mabilis na pagkahingal.

Kadalasang tinatamaan ng anemia ang mga kababaihan dahil sa kanilang buwanang dalaw (menstruation). Kung kaya't hinihikayat ng Bataan Provincial Health Office ang lahat ng mga kababaihang nasa edad 10-49 na taong gulang o ang mga kababaihang nasa reproductive age na tanggapin ang Weekly Iron and Folic Acid (WIFA) supplement na maaaring makuha sa pinakamalapit na barangay health station sa inyong lugar; at sa mga pampublikong paaralan para naman sa mga kababaihang nasa ika-7 hanggang ika-10 baitang.

Sa wastong pagtanggap ng IFA, makasisigurong sapat ang hemoglobin sa ating red blood cells na siyang nagdadala ng oxygen sa iba't-ibang parte ng ating katawan.

Sama-sama tayo sa paglaban sa malnutrisyon para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


24/02/2025

ALAM NIYO BA?
Ang Down syndrome ay hango sa pangalan ng British physician na si John Langdon Down, isang physician na nag-aral ng patungkol sa sakit na ito noong 1866, at ang salitang 'Down' ay walang kinalaman sa paglalarawan ng mga indibidwal na may ganitong klaseng sakit.

Kahit pa ito'y isang karamdamang may kaugnayan sa genes ng isang indibidwal, kung saan ay nagkakaroon ng sobrang bilang ng buo o parte ng chromosome 21, may mga indibidwal na may Down syndrome ang nakapagpatunay na sila ay may kakayahang makipag-sabayan sa takbo ng mundo. Ilan na rito ay sina:
1. Andrew Harris - unang taong may Down syndrome na umakyat sa Grand Teton noong 2017.
2. Isabella Springmuhl - isang sikat na fashion designer na may Down syndrome mula sa Guatemala
3. Michael Beynon - nakatapos ng 100km marathon
4. Steven Brandon - aktor na bumida sa pelikulang 'My Feral Heart'
6. Chris Nikic - isang atletang may Down syndrome na nakatapos ng nilahukang Ironman triathlon

Ngayong National Down Syndrome Consciousness Month, ating bigyang halaga ang posibilidad na sila'y mamuhay ng normal sa tulong ng tamang therapy, pag-unawa, pagpapalaki, pakikitungo, pagtanggap, at pagkakaroon ng ligtas at malusog na pamumuhay.


24/02/2025

For inquiries about scheduling consultations and other services at our hospital, please refer to the contact hotlines below. Thank you, and kindly share this information.

24/02/2025

PAALALA: Dulot ng mga naidagdag na bilang ng kaso ng HFMD sa Central Luzon, muling pinaaalalahanan ng Bataan Provincial Health Office ang lahat na sanayin ang mga batang maghugas ng kamay, gayundin, pinapayuhan ang mga nakatatanda na ugaliin ang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos hawakan ang mga bata.

Ang HFMD o Hand, Foot, and Mouth Disease ay kadalasang dumadapo sa mga nasa edad 10 pababa, ngunit may mga pagkakataon din na pati ang mga matatanda ay dinadapuan nito. Nakahahawa ang sakit na ito, at ang mga sintomas ay:

-Lagnat
-Pagkawala ng ganang kumain at uminom ng tubig
-Pagsakit ng lalamunan
-Pagkakaroon ng mga pantal sa palad ng mga kamay at talampakan ng paa, pati na sa puwitan at sa maselang bahagi ng katawan; at
-Pagkakaroon ng singaw sa bibig

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at malusog na komunidad.


24/02/2025

Bago magmahal ng iba, mahalin muna ang sarili. Isang paalala mula sa Bataan Provincial Health Office, dahil kasabay ng pagdiriwang natin ng Valentine's Day ay ipinagdiriwang din natin ngayong buwan ng Pebrero ang Philippine Heart Month.

Alagaan ang inyong mga puso:
1. Para sa maayos na daloy ng dugo, sanaying magkaroon ng ligtas na mga physical activities araw-araw -- mag-ehersisyo, sumayaw, tumakbo, o maglinis sa loob at labas ng tahanan.

2. Umiwas sa mga nakasasamang bisyo gaya ng paninigarilyo, paggamit ng v**e, o pag-iinom ng alak.

3. Kumain ng masusustansyang pagkain; limitahan ang sarili sa mga maaalat, matatamis, at mamantikang pagkain; panatilihin din ang tamang timbang.

4. Panatilihin ang normal na blood pressure.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng matatag at nagmamahalang pamilyang Bataeño.


24/02/2025

ANO NGA BA ANG MGA SINTOMAS NG DENGUE?
Kadalasan, nagsisimulang lumabas ang mga sintomas 4-10 araw mula nang makagat ng lamok na may dengue, at ito ay tatagal ng 2-7 araw:

-LAGNAT (AABOT NG 40°C)
-PAGKAKAROON NG PANTAL SA BALAT
-PAGKAHILO
-PAGSUSUKA
-PANANAKIT NG KATAWAN, KALAMNAN, AT MGA MATA
-MATINDING PANANAKIT NG ULO

Importanteng malaman ang mga sintomas ng dengue at matutukan, dahil walang pinipiling panahon ang sakit na ito. Hindi biro ang dengue fever sapagkat maaari itong mauwi sa kamatayan. Kung ikaw ay nakararanas ng mga sintomas, magtungo agad sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

Protektahan ang sarili laban sa kagat ng lamok. Panatilihing malinis ang loob at labas ng inyong tahanan. Ugaliing mag-search and destroy. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at dengue-free na komunidad.


24/02/2025

Ipinapaalala ng Provincial Health Office sa mga magulang na mahalagang kumpletuhin ang bakuna ng inyong mga anak. Ito ang magbibigay sa kanila ng proteksyon laban sa ilang mga malulubhang sakit gaya na lamang ng polio, measles, mumps, rubella, at iba pa. Ito ay napatunayan nang epektibo at ligtas.

Ang mga health workers dito sa lalawigan ng Bataan ay mas pinaigting pa ang pagbibigay ng routine vaccine o ang mga bakunang kinakailangang makumpleto ng mga bata para sa kanilang proteksyon.

Makipagugnayan sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar ukol dito. Kunin ang pagkakataong ito upang sila'y bigyang proteksyon. Sama-sama tayo sa pagpapataas ng bilang ng mga batang protektado.


07/02/2025


07/02/2025

Address

Lacson Street Lote Pto. Rivas
Balanga
2100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Lote Pto. Rivas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share