
23/07/2025
๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ฆ๐๐ข๐ฐ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ก๐? ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐ฆ๐๐ -๐๐ญ๐ฎ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐ข! ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ค๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ ๐ง๐!
Kailangan ng reseta ng doktor upang makakuha ng Doxycycline. Agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center kung ikaw ay lumusong sa baha.
Narito ang mga dapat tandaan sa pag-inom ng Doxycycline:
๐ข๐๐๐ ๐๐๐๐
Kung ikaw ay binaha at kailangang lumusong ngayon ngunit wala kang sugat na lumubog sa baha, ikaw ay kailangan paring uminom ng Doxycycline, 2 capsules na may tig-100mg kada isang capsule sa loob ng 24 hanggang 72 oras mula sa pag-ahon sa baha.
๐ก๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Kung ikaw ay binaha at kailangang lumusong ngayon at may sugat na lumubog sa baha, kailangan mong uminom ng Doxycycline, 2 capsules na may tig-100mg kada isang capsule bawat araw sa loob ng 3 hanggang 5 araw mula sa pag-ahon sa baha.
๐ด๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Kung ikaw ay binaha at maraming beses at tuloy-tuloy ang paglusong sa baha, may sugat man o wala na lumubog sa baha, kailangan mong uminom ng Doxycycline, 2 capsules na may tig-100mg kada isang capsule kada linggo hanggang tumigil na sa paglusong sa baha.
Iwasan ang Leptospirosis! Siguraduhing sundin ang reseta at ๐ฏ๐ผ๐พ๐จ๐ฎ ๐ท๐ผ๐ป๐ผ๐ณ๐ฐ๐ต ang pag-inom ng gamot.