09/02/2026
Makiisa sa pagdiriwang ng Safer Internet Day (SID) for Children Philippines ngayong darating na ika-10 ng Pebrero 2026!
Ang SID ay isang internasyunal na pagdiriwang na isinasagawa taun-taon upang isulong ang ligtas at responsableng paggamit ng internet lalo na sa mga kabataan. Mula nang ilunsad ito noong 2004, higit sa 100 na bansa na ang nakiisa sa pagdiriwang ito upang palaganapin ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng digital literacy at online safety. Sa Pilipinas, ang SID ay opisyal na kinikilala ng Proklamasyon Blg. 417 na idinidedeklara ang ikalawang martes ng Pebrero bilang Safer Internet Day para sa mga Batang Pilipino.
Magkaisa tayo upang itaguyod ang online safety sa pamamagitan ng paghihikayat ng responsableng paggamit ng internet at pagtugon sa mga hamon at oportunidad ng digital world para sa mga batang Pilipino.
Abangan ang livestream ng programa, dito sa official page ng DepEd Philippines
Sama-sama nating gawing mas ligtas ang internet para sa lahat!