
26/09/2025
🌍🐾 Event Highlight | Paws for Health 2025: A Pet Fashion for a Rabies Free World 🐶🐱✨
Ngayong umaga, pinagdiwang ng Baliuag District Hospital Public Health Unit ang World Rabies Day sa isang makulay na paraan—isang Pet Fashion Show na nagbigay saya at inspirasyon sa lahat! 🎉👗🎩
📌 Mga Tampok na Kaganapan:
👒 Cute at fashionable pets na rumampa sa runway
💉 Libreng serbisyo at paalala tungkol sa kahalagahan ng rabies vaccination para sa alagang hayop
✂️Libreng Grooming para sa mga alaga
📢 Rabies awareness campaign para sa mas ligtas na komunidad
Hindi lamang ito selebrasyon ng kagandahan at talento ng ating mga alaga, kundi isang makabuluhang paalala na ang responsableng pet ownership at pagbabakuna laban sa rabies ang tunay na fashion statement. 💙
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang oras, suporta, at pagmamahal para sa ating mga alagang hayop. 🐾