07/09/2022
ANO NGA BA ANG PAGKAKAIBA NG
URIC ACID AT ACIDIC, ALAMIN NATIN
ANO ANG URIC ACID?
Ang uric acid ay isang produkto ng pagkawatak-watak ng mga protina sa katawan. Normal itong natatagpuan sa katawan, ngunit kung mataas ang antas nito sa dugo (hyperuricemia), ito ay maaaring maging sanhi ng gout, rayuma.
MGA PAGKAIN NA NAGPAPATAAS NG URIC ACID:
1. Mga lamang-loob sa karne gaya ng atay, lapay, atbp.
Iba pang bahagi ng karneng p**a (red meat): baboy, baka, etc.
2. Mga isdang galing sa dagat (saltwater fish)
3. Sardinas, bagoong at alamang
4. Kabute o mushroom
5. Sitaw, bataw, patani (mga beans)
6. Beer at alak
7. Tinapay
ANO BA ANG ACIDIC?
Ang tiyan ng tao ay puno ng “natural acidic liquid” kaya nakukuha nitong tunawin gaano man kadami ang lamang pagkain ng iyong tiyan. Ang acid na ito ay napakatapang kaya pagkatunaw ng pagkain ay nagagawa nitong makatas ang bitamina at nutrients sa pagkain sa loob ng tiyan. Pero, kung magiging abnormal ang taas ng acid na ito, maaaring magdulot ito ng:
1. Sakit sa tiyan
2. heartburn” o pagtaas ng acid mula sa tiyan patungo sa dibdib hanggang sa hindi ka na makahinga.
3. Acid reflux = parang sinasakal ang lalamuna
4. Paninikip ng dibdib
5. Kabag
6. Ulcer
7. Pagkahilo
8. Hindi natunawan ng pagkain
Mahalagang may tamang dami ng tubig sa iyong tiyan dahil ito ang nagbabalanse ng acid sa iyong katawan. Posible din na maging sanhi ng heartburn ang pagkakaroon ng sakit na bulimia at anorexia. Dahil nasisira ang balance ng acid sa iyong tiyan kapag biglang napupuno o nawawalan ng pagkain ang iyong tiyan.
Mga bawal kapag hyperacidity:
1. Kape
2. Soft drinks
3. Energy drinks
4. Tsaa
5. Alak
6. Citrus fruits
7. Bawang at sibuyas
8. Kamatis
9. Maanghang na pagkain
10. Matataba
Mabuting gawin mag colon cleansing, disiplina sa pag kain at tamang ehersisyo, ang pinaka huli maniwala tayo sa panginoon na may mga paraan siya na makakatulong upang makamtan ang tunay na kagalingan 🙏☝️