08/09/2025
ALAM NIYO BA?
Ang obesity o ang pagkakaroon ng sobra sa normal na taba sa katawan ay walang pinipiling edad. Isang salik kung bakit nagiging obese ang isang tao ay unhealthy lifestyle.
Kung kaya't ngayong Obesity Awareness and Prevention Week ay ipinapayo ng Provincial Health Office ang 'Move More, Eat Right' healthy habit. Bigyan ang sarili ng oras para gumalaw, maglakad, mag-ehersisyo o sumayaw; at sundin ang 10 Kumainments:
I. Kumain ng iba't-ibang pagkain.
II. Sa unang 6 months ni baby, breastfeeding lamang; mula 6months, bigyan din siya ng ibang angkop na pagkain.
III. Kumain ng gulay at prutas araw-araw.
IV. Kumain ng isda, karne, at ibang pagkaing may protina.
V. Uminom ng gatas; kumain ng pagkaing mayaman sa calcium.
VI. Tiyaking malinis at ligtas ang ating pagkain at inumin.
VII. Gumamit ng iodized salt.
VIII. Hinay-hinay sa maaalat, mamantika at matatamis.
IX. Panatilihin ang tamang timbang.
X. Maging aktibo. Iwasan ang alak; huwag manigarilyo.
Tandaan, hindi lamang timbang at hubog ng katawan ang apektado kung ikaw ay obese, malaki rin ang tyansa na makaranas o magkaroon ng 'noncommunicable disease' gaya ng sakit sa puso, type 2 diabetes, hypertension, stroke, cancer, at osteoarthritis.
Alagaan ang katawan, bigyan pansin ang timbang. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang BataeƱo.