Tabing-Ilog Barangay Health Station

Tabing-Ilog Barangay Health Station The mission of a barangay health center is to provide accessible, affordable, and quality healthcare services to the residents of the barangay.

This includes promoting preventive healthcare measures, providing medical treatment for common illnesses and in

15/03/2025
15/03/2025

ALAM NIYO BA?
Malaki ang tyansa ng taong obese na makaranas o magkaroon ng 'noncommunicable disease' gaya ng sakit sa puso, type 2 diabetes, hypertension, stroke, cancer, at osteoarthritis.

Ang obesity o ang pagkakaroon ng sobra sa normal na taba sa katawan ay dulot ng iba't-iba o kombinasyon ng mga salik gaya ng genetics, psychological, sociocultural, economic, environmental, at paraan ng pamumuhay.

Kung kaya't ngayong 'World Obesity Day' ay ipinapayo ng Provincial Health Office ang 'Move More, Eat Right' healthy habit. Sundin ang 10 Kumainments, at sikaping magkaroon ng tama, sapat, at masustansyang pagkain gamit ang Pinggang Pinoy servings. Bigyan ang sarili ng oras para sa ehersisyo at kung may pagkakataon na gumalaw, maglakad, o sumayaw ay kunin ito. Umiwas sa bisyo gaya ng alak, sigarilyo, v**e, o droga na makasisira sa inyong katawan.

Sabay-sabay nating mahalin ang ating mga katawan para sa mas matatag at produktibong pamilyang Bataeño.


15/03/2025

Early diagnosis of childhood cancer saves lives. If a child under your care presents any signs or symptoms of cancer, take them to the doctor.

15/03/2025
15/03/2025

PAALALA: Narito ang recommended schedule ng mga bakunang kinakailangan matanggap ng mga bata ayon sa kanilang edad.

Ang mga ito ay magbibigay sa kanila ng proteksyon laban sa ilang mga malulubhang sakit gaya na lamang ng polio, measles, mumps, rubella, at iba pa. Ito ay napatunayan nang epektibo at ligtas.

Kaya't patuloy pa rin ang mas pinaigting pang pagbibigay ng routine vaccine ng mga health workers dito sa lalawigan ng Bataan para sa mga bata. Makipagugnayan sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar ukol dito.

Sama-sama tayo sa pagpapataas ng bilang ng mga batang protektado para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.



15/03/2025

Ipinapaalala ng Provincial Health Office sa mga magulang na mahalagang kumpletuhin ang bakuna ng inyong mga anak. Ito ang magbibigay sa kanila ng proteksyon laban sa ilang mga malulubhang sakit gaya na lamang ng polio, measles, mumps, rubella, at iba pa. Ito ay napatunayan nang epektibo at ligtas.

Ang mga health workers dito sa lalawigan ng Bataan ay patuloy pa rin sa pagbibigay ng routine vaccine o ang mga bakunang kinakailangang makumpleto ng mga bata para sa kanilang proteksyon.

Makipagugnayan sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar ukol dito. Kunin ang pagkakataong ito upang sila'y bigyang proteksyon. Sama-sama tayo sa pagpapataas ng bilang ng mga batang protektado.


15/03/2025

Ate, Nanay, Lola, may mga serbisyong pangkalusugan para sa'yo!

✅ Bakuna laban sa cervical cancer;
✅ Pangangalaga sa buntis at bagong panganak;
✅ Screening para sa breast cancer;
✅Family planning methods;
✅Suporta para sa Women Living with HIV;
✅ Women and Children Protection Units; at
✅ Mental Health Support

Kumonsulta sa pinakamalapit na health center para sa mga serbisyong ito.

Sa lahat ng mga babaeng anak, kapatid, kaibigan, at sa bawat ina at lola, tandaan - Mahalaga ka, dahil Sa Bagong Pilipinas, Bawat Babae Mahalaga.




’sMonth

Address

Balut 1 Tabing Ilog, Samal
Bataan
2113

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tabing-Ilog Barangay Health Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share