08/02/2026
Sa tuwing magbubukas ako ng aking FB account, puro mga isyu at balita tungkol sa therapy for children with autism or those on the spectrum ang aking nababasa. Kadalasan, ito ay mga adbokasiya—posts about the need for therapy, learning centers, at mga lungsod na nagsisimulang magtayo ng centers with therapy services.
I strongly believe this should be available nationwide.
Hindi lang para sa mga batang may autism, but for all children who need different kinds of therapies and interventions. This kind of support eases the burden of families and helps teachers who are handling children in inclusive classrooms.
Mai-share ko lang ang personal na karanasan ko. Libo-libo ang ginugugol ko buwan-buwan para sa edukasyon, therapy, intervention, at iba pang pangangailangan para sa paglago ni Tim.
Do I have extra money? No.
Lahat ay iginagapang at iniraraos. But I do this because I want my child to be prepared for life—para sa pag-edad niya, at sa panahong wala na ako, kaya niyang makipagsabayan at harapin ang hamon ng mundo nang may dignidad at kakayahan.
Nagkataon lamang na may trabaho ako na nagbibigay sa akin ng kakayahang mag-loan kung kinakailangan.
Si Tim ay isang halimbawa ng batang on the spectrum na noong una, akala ko walang mangyayari kahit may therapy. Natigil pa nga ang therapy dulot ng kawalan pambayad.
But look at him now.
There is progress. There is growth. There is potential.
Meron. Meron. Meron. Grade 3 in the general education (small size and with tutorial); behavior - ayos! :))
Sana ang ibang mga batang nasa inclusion ay mabigyan din ng pagkakataong maipagpatuloy ang kanilang therapy. Malaking tulong ito sa mga magulang at g**o, ngunit higit sa lahat, sa bata mismo. They need these interventions to thrive.
This is why access to continuous and consistent therapy matters.
Hindi sapat ang financial assistance kung hindi rin naman ito ma-avail dahil sa maraming requirements. Mahirap mag-asikaso at pumila. What FAMILIES truly need is ACCESSIBLE, SUSTAINED, and COMMUNITY-BASED SUPPORT.
This is not just a personal story—it is a call for awareness and action.
Marami pang pinagdadaanan, at marami pang pagdadaanan, ang mga pamilyang may mga anak na may SPECIAL NEEDS. And they deserve to be seen, heard, and supported. 💙
(Sa SALN ko puwede ba ang ilagay sa Asset ay anak ko? he he he ..)
(Puwede bang idagdag ng civil service iyong excuse for working moms with special needs na anak ang special privilege para di naman di palaging leave lalo't 2 oras lang naman mawawala? Mauubos leave ko .. hayai na nga ... para naman sa anak ko) :)
Thanks kay Lord, kinakaya at sa tabaho ko! Thanks sa aking mga SUPPORT SYSTEM with LOVE!
Au Silva Lina