13/03/2026
Batangas Best Beef Mechado Recipe ✨️😋
INGREDIENTS:
1 kilo Beef chunks
1/4 cup soy sauce
2 tablespoon calamansi juice
1 teaspoon black pepper
red and green bellpeppers
2 medium potatoes
1 medium carrot
5 cloves garlic
1 medium onion
3 large tomatoes
2 tablespoon tomato paste
enough water to cook beef
2 dried bay leaf
1 pc. beef broth cube (optional)
cooking oil for searing
PROCEDURE:
1. Sa isang bowl, pagsamahin ang beef chunks, soy sauce, calamansi juice at half teaspoon ng black pepper. Mix mabuti then marinate for at least 1 hour.
2. Sa isang kawali, magpainit ng mantika. mabilisang i-sear or iprito ang bellpepper ng mga 1 minute, hanguin at set aside. Iprito rin ang potatoes at carrot hanggang medyo magbrown. set aside.
3. Then, ihiwalay ang beef chunks mula sa marinade. Saka i-sear o iprito ang beef hanggang magbrown. gawin ito by batch para di magtubig masyado at mas mabilis magbrown ang beef. Pag brown na, alisin muna sa kawali at set aside
4. Igisa ang garlic at onion hanggang bumango. then ilagay na ang tomatoes, igisa hanggang madurog ito. Isunod ilagay ang tomato paste, igisa ng mga 1 minute. then, ilagay na ang nabrown na beef. Igisa ng bahagya. Maglagay ng maraming tubig na enough para maluto ang beef, ilagay na rin ang beef cube at dried bay leaf. Takpan at lutuin sa low-medium heat hanggang lumambot ang beef.
NOTE: Para mas mabilis maluto, pwede nio itong ilipat sa pressure cooker at lutuin dito ng 30 to 45 minutes using medium heat.
5. Kapag malambot na ang beef, tikman. Timplahan ng kaunting asukal kung kailangan (or asin depende sa alat na gusto mo) Saka ilagay ang potatoes at carrot, lutuin for 2 to 3 minutes.
6. Sa pang-huli, ilagay na ang bellpepper. and luto na! Enjoy!