Dr. Rachel Napa

  • Home
  • Dr. Rachel Napa

Dr. Rachel Napa Internal Medicine (Adult) doctor who specializes in kidney diseases

22/08/2025
15/07/2025

Adult Focus: Extreme Exercise + Sports = Kidney Injury?

Ang pagiging aktibo sa sports at exercise ay mahalaga sa kalusugan pero kapag sobra at walang tamang gabay ay maaaring magdulot ito ng pinsala sa kidneys.

📌 Paano Nakakaapekto ang Extreme Exercise sa Kidney?
🔸 Dehydration – Ang labis na pagpapawis ay maaaring magdulot ng kakulangan sa tubig sa katawan, na nagdudulot ng stress sa kidneys.
🔸 Rhabdomyolysis – Ang sobrang strain sa muscles ay maaaring mauwi sa breakdown ng muscle tissue na naglalabas ng toxins tulad ng myoglobin, na nakakasira sa kidneys.
🔸 High-protein diets – Karaniwang ginagawa ng mga gustong mag-develop o lumaki ang mga muscles subalit maaaring magdagdag ng trabaho sa kidneys sa pamamagitan ng hyperfiltration.

📌 Mga Sintomas ng Kidney Injury Dulot ng Extreme Exercise:
âś… Dark Yellow o Orange o Brown na kulay ng ihi o kakaunti ang ihi
âś… Pamamaga ng paa, binti, o mukha
âś… Panghihina at pagkahilo
âś… Sakit sa likod o tagiliran

📌 Paano Maiiwasan ang Pinsala sa Kidney Habang Aktibo sa Sports?
✔️ Uminom ng sapat na tubig bago, habang, at pagkatapos ng exercise.
✔️ Maglaan ng sapat na pahinga at huwag pilitin ang katawan kung pagod na.
✔️ Magpatingin agad sa doktor kung may sintomas ng dehydration o rhabdomyolysis.
✔️ Iwasan ang high-protein diets lalo na kung walang gabay mula sa nutritionist.
✔️ Panatilihing balanse ang training – huwag sobra-sobra o biglaan.

👩‍⚕️ Paalala: Ang pagiging aktibo ay mahalaga, pero ang kalusugan ng iyong kidneys ay dapat isaalang-alang din! Moderation, hydration, proper diet at tamang guidance ang susi para maiwasan ang mga komplikasyon.

Ang malusog na katawan ay nagsisimula sa tamang pagkain.
20/06/2025

Ang malusog na katawan ay nagsisimula sa tamang pagkain.

11/06/2025

Tag-ulan na naman, kaibigan!

Alam mo ba na kahit isang beses ka lang lumusong sa baha ay maaari ka nang mahawa ng leptospirosis? Isa itong seryosong sakit na nanggagaling sa ihi ng mga hayop tulad ng daga na humahalo sa baha o kontaminadong tubig.

Kahit wala kang sugat, hindi ka pa rin ligtas. Mas mataas ang panganib kung may galos ka, o kung nakalunok ka ng tubig-baha. At kung paulit-ulit kang lumulusong o lumalangoy sa baha — mas mataas ang tsansa mong magkasakit.

Kaya mahalagang malaman kung kailan ka dapat uminom ng Doxycycline at kung gaano karaming araw ito dapat inumin — depende sa exposure mo sa baha.
Pero tandaan: HINDI ito 100% panlaban! Hindi sapat ang gamot kung patuloy pa rin tayong lumulusong nang walang pag-iingat.

Lalo na sa mga buntis, nagpapasuso, at mga batang 8 years old pababa — bawal ang doxycycline sa inyo.

Kaya kung hindi mo talaga maiiwasang lumusong sa baha, kumonsulta agad sa doktor para malaman kung kailangan mo ng gamot at kung paano ito iinumin nang tama.

Protektahan ang sarili, ang pamilya, at ang komunidad. Iwasan ang baha kung kaya. Alamin ang tamang kaalaman para makaiwas sa leptospirosis.

03/06/2025
Join our FREE forum, “Preparing for Your Kidney Transplant: What You Need to Know.” Happening today, Thursday, May 15 at...
14/05/2025

Join our FREE forum, “Preparing for Your Kidney Transplant: What You Need to Know.” Happening today, Thursday, May 15 at 1:00 PM at Mary Mediatrix Cancer Center.

📞 Inquiries: (043) 773-6800 LOC. 3240

A new kidney could change your life. Are you ready?

Get the answers you need at our FREE lay forum, "Preparing for Your Kidney Transplant: What You Need to Know," featuring our renowned nephrologist, Dr. Rachel Napa. The event will take place on Thursday, May 15, 2025, starting at 1:00 PM, at the Mary Mediatrix Cancer Center’s Conference Room, located on the Mezzanine Floor.

This forum is ideal for:
âś” Dialysis and pre-dialysis patients
âś” Transplant recipients and donors
âś” Families and caregivers

Don’t miss this opportunity to ask questions, learn about the transplant process, and take the next step toward a healthier future!

For inquiries, call (043) 773-6800 LOC. 3240.

07/05/2025

Alam mo ba na ang mga paborito mong inumin ay maaaring puno ng asukal?

Narito ang ilang halimbawa ng karaniwang inumin at ang kanilang nilalaman ng asukal: Regular soft drink (10 teaspoons), iced tea (6 teaspoons), fruit punch (8 teaspoons), at energy drink (11 teaspoons).

Mahalagang bawasan ang asukal sa iyong diyeta upang mapanatili ang magandang kalusugan, lalo na para sa iyong mga bato at antas ng asukal sa dugo.

Pumili ng tubig o unsweetened teas para sa mas malusog na alternatibo! Ang kaalaman ay kapangyarihan sa iyong kalusugan!

Kidney health is often overlooked until it’s too late.Let’s change that—start by understanding what creatinine levels me...
25/04/2025

Kidney health is often overlooked until it’s too late.

Let’s change that—start by understanding what creatinine levels mean.

Alamin ang Normal na Antas ng Creatinine sa Dugo!

Ang normal na halaga ng creatinine ay karaniwang nasa 0.6 - 1.2 mg/dL, at ito ay mahalaga upang masukat ang kalusugan ng ating mga bato.

Ang tamang antas ay nagpapakita kung gaano kahusay ang pag-filter ng mga waste products ng ating katawan. Kapag ang mga antas ay mataas, maaaring ito ay senyales ng problema sa bato.

Palaging kumonsulta sa doktor upang masigurong nasa tamang sukat and iyong Creatinine.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Rachel Napa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram