15/08/2025
“"Health is a priceless wealth. Invest while you can.” - Bryant McGill
CTTO...
WHEN KRIS AQUINO ONCE SAID;
‘Ang dami mong kayang ma-achieve, pero kung kalusugan mo ang kapalit, hindi worth it. Lahat ng material things, pwede mawala in a snap. Pero ang katahimikan ng puso’t isip, yun ang hindi mababayaran. Ingatan mo ang sarili mo, piliin mo ang kapayapaan, at alagaan ang mga totoong nagmamahal sa’yo.’
Minsan kasi, sobrang driven natin sa goals, nakakaligtaan na natin kumain sa oras, matulog ng maayos, o magpahinga kahit saglit. Pero ang katawan natin, hindi makina. Kapag bumigay na, dun lang natin mare-realize na sayang pala kung hindi natin siya inalagaan.
Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa lahat ng oras. Hindi mo rin kailangan ng validation mula sa mga taong hindi naman nakakaintindi ng pinagdadaanan mo. Minsan, ang tunay na tagumpay ay yung payapa kang natutulog sa gabi.
Ang pagmamahal sa sarili, hindi selfish. Ito yung unang hakbang para mas maibigay mo ang best version ng sarili mo sa pamilya, kaibigan, at sa mga taong mahal mo. Kaya wag mong ipagpalit ang peace mo sa stress na hindi naman kailangan.
Kung may mga taong hindi mo na kayang isabay sa journey mo ngayon, okay lang yan. Hindi mo sila kailangang pilitin manatili kung nakakabigat na lang sila sa'yo. Deserve mong magkaroon ng space na magaan, totoo, at masaya.
Alalahanin mo, hindi mo kailangang masyadong maging matapang araw-araw. Okay lang mapagod, okay lang umiyak, okay lang huminto sandali. Basta huwag mong kalimutan, mahalaga ka at may halaga ang pahinga mo.
Kris Aquino❤️