Clinica Membrebe

Clinica Membrebe General Medicine and Diabetes Clinic

25/08/2025

‼️ ANO ANG TOTOO AT FAKE NEWS TUNGKOL SA TB? ‼️

Ang Tuberculosis o TB ay isang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng ubo, bahing, at dura. Hindi ito naipapasa sa simpleng paghawak ng kamay, o pagkatuyo ng pawis sa likod.

Ito ay naaagapan at nagagamot kung malaman nang maaga! Isang x-ray lang ang kailangan!

💬 Kumonsulta agad sa pinakamalapit na TB-DOTS para malaman kung may TB at magamot agad: bit.ly/TBDOTSFacilities

Source: World Health Organization




13/08/2025

Protektahan ang sarili at ang komunidad. Gawin ang 7 Healthy Habits na nasa larawan!

🏥 Kumonsulta sa health centers para sa mga serbisyong pangkalusugan.

Isang paalala ngayong Linggo ng Kabataan.




10/08/2025

MGA KASO NG LEPTOSPIROSIS AT DENGUE, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN NG DOH

Umabot sa 2,396 na kaso ng leptospirosis ang naitala ng Department of Health mula June 8 o isang linggo matapos ideklara ng PAGASA ang tag-ulan, hanggang August 7, 2025.

Kaugnay nito, naka alerto ang mga DOH Hospitals sa bansa at nagbukas na ang ilan ng mga leptospirosis fast lanes para mabilis na matignan ang mga pasyenteng dudulog ng konsultasyon.

Handa naman ang ahensya sa inaasahang pagtaas sa kaso ng leptospirosis matapos ang sunod sunod na pagbaha mula July 21 dulot ng habagat, bagyong Crising, Dante, at Emong.

Binabantayan din ng ahensya ang mga kaso ng dengue na umabot na sa 8,171 na kaso mula July 6 hanggang July 19.

Mas mababa ito ng 33% kumpara sa naitalang kaso sa huling linggo ng Hunyo—June 22 hanggang July 5, na nasa 12,166 na kaso.

Payo naman ng DOH, ‘wag maging kampante sa banta ng dengue—maaraw man o maulan.

Matatandaang sinabi ng ahensya Pebrero nitong taon na maaaring tumaas ang kaso ng dengue ngayong tag-ulan pero ano mang panahon ay pwedeng mangitlog ang lamok at makapagkalat ng sakit.

Paalala pa rin ng DOH na ugaliing isagawa ang 4Ts–taob, taktak, tuyo, at takip tuwing alas kwatro ng hapon para mapuksa ang mga pinamamahayan ng lamok lalo ngayong natapos ang ulan at maaaring may mga naipong tubig na pamamahayan ng lamok.






08/08/2025

⚠️ 656,115 NA MGA PILIPINO, MAY DIABETES NA

‼️Ayon sa pinakahuling datos ng Field Health Services Information System ng DOH (FHSIS, 2024), 656,115 na Pilipino ang may diabetes. Sa kabila nito, marami pa rin ang hindi nakakaalam na sila ay may ganitong kondisyon.

Alamin ang mga sintomas ng Diabetes. Ugaliin ang regular na konsultasyon para mabantayan ang kalusugan at para sa maagang gamutan.




04/08/2025

❗Suportado ng DOH ang Breastfeeding bilang bahagi ng mahalagang First 1000 Days ng mga sanggol ❗

Bakit mahalaga ang exclusive breastfeeding?
✔️ Kumpleto sa nutrisyon
✔️ May panlaban sa sakit
✔️ Libre, laging handa, at mas ligtas para kay baby

✅ Simulan ang eksklusibong pagpapasuso sa unang 6 na buwan
✅ Ipagpatuloy ang pagpapasuso at magsimula ng masustansyang pagkain sa mga bata mula 6 na buwan pataas
✅ Tiyaking nakakakain si Nanay ng masustansyang pagkain, may sapat na pahinga, at nasusuportahan sa kaniyang emotional needs





04/08/2025

🚨 251,302 na Pilipino, may visual disability

Ngayong White Cane Safety Day, Agosto 1, 2025, ating kilalanin ang mahalagang papel ng puting tungkod bilang simbolo ng kalayaan at gabay ng ating mga kapatid na may kapansanan sa paningin.

Magbigay-daan at suportahan ang mas accessible at inklusibong mga espasyo para sa kapatid nating Persons with Disabilities.

Source: DOH-Philippine Registry for Person with Disabilities (as of June 17, 2025)

31/07/2025

🚨 MAG-INGAT SA PAGLILINIS PARA MAIWASAN ANG AKSIDENTE 🚨

Dahil meron pa ring dalang pag-ulan ang habagat, hintayin muna hanggang tuluyang humupa ang baha at siguruhing ligtas na ang paligid bago simulan ang paglilinis.

Para makaiwas sa aksidente, narito ang ilang paalala ng DOH:
✔️ Magsuot ng bota, gloves, goggles, at mask
✔️ Humingi ng tulong sa pagbubuhat ng mabibigat
✔️ Mag-ingat sa paggamit ng mga kemikal na panglinis, gaya ng bleach







26/07/2025

🚨MGA IITLUGAN NG LAMOK, MAS MARAMI DAHIL SA ULAN; DOH 4T GAWING REGULAR KONTRA DENGUE🚨

Bahagyang tumaas ang kaso ng dengue sa unang dalawang linggo ng Hunyo. Mula 8,233 noong June 1-14, tumaas ito sa 10,733 pagdating ng June 15-28. Pinaghahandaan na ng DOH ang pagtaas sa kaso ng dengue dahil sa sunod sunod na pag-ulan at pagbaha nitong mga nakaraang linggo.

Paalala ng DOH na gawin ang 4Ts para walang pamahayan ang lamok dengue na aedes. Maging alerto matapos maipon ang ulan sa paligid at mga lalagyan kung saan nangingitlog ang lamok na ito.
Gawin ang:
❗️Taob
❗️Taktak
❗️Tuyo
❗️Takip ️

Tandaan: Kung walang lamok, walang dengue!





25/07/2025
22/07/2025

‼️DOH: MAG-INGAT SA PANGANIB NG KURYENTE SA BAHA‼️

Mapanganib na malubog sa tubig na may live wire o saksakan, maging ang
madikit sa mga nakasaksak na appliances na nabasa o nalubog sa tubig. Maaari itong magdulot ng electical shock o pagkakuryente.

Payo ng DOH, iwasang malubog sa baha lalo na kung maaaring may electrical source na nakalubog dito. Patayin ang main switch ng kuryente o circuit breaker.

Anong maaring mangyari sa katawan kapag nakuryente?
🫀Cardiac Arrest - o paghinto ng puso dahil sa kuryente o electrical current

🫁Respiratory Arrest - dulot ng pagkaparalisa ng mga muscles na tumutulong sa paghinga

🧠Internal Organ Damage - maaaring mabilis na maapektuhan ng kuryente ang utak, bato at atay

🫲 Pagkasunog ng balat

🚨Maaaring magsagawa ng CPR sa isang taong nakuryente basta’t masigurong ligtas na ang kapaligiran. Sundin ang S.A.G.I.P. para sa mga hakbang.

Antabayanan din ang mga payo ng DOE: https://www.facebook.com/share/p/1CDA8ctTff/

20/07/2025

🚨 DOH, NAGBABALA LABAN SA LEPTOSPIROSIS NA MAAARING MAKUHA SA BAHA 🚨

Huwag maglaro at iwasang lumusong sa baha. Mapanganib ang mga mikrobyo mula sa mga basura at dumi na maaring magdulot ng leptospirosis. 🦠

Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang taong mapapasukan ng mikrobyong leptospira sa katawan.

Kung sakaling malulubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon. Agad ding kumonsulta sa doktor kung lumusong sa baha nang may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan.

Tumawag sa Telekonsulta hotline 1555 (press 2) para sa mabilis na konsultasyon. 📞




10/07/2025

Ang allergy ay maaaring mauwi sa anaphylactic shock—isang seryosong kondisyon na posibleng ikapahamak ng buhay.

Marami sa atin ang may allergy sa pagkain, gamot, alikabok, at iba pa pero hindi lahat ay may sapat na kaalaman kung paano ito iwasan o tugunan.

❗Tignan ang mga senyales na dapat bantayan. ❗

🚑 Kapag nararanasan ang mga sintomas na ito, magpatingin agad sa pinakamalapit na health center o ospital.




Address

287 Palangoy Binangonan Rizal
Palangoy

Opening Hours

Monday 8am - 11:31am
3:31pm - 6pm
Tuesday 8am - 11:30am
3:30pm - 6pm
Wednesday 8am - 11:30am
3:30pm - 6pm
Friday 8am - 11:30am
3:30pm - 6pm
Saturday 8am - 11:30am
Sunday 9am - 11:30am

Telephone

+639953962869

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Clinica Membrebe posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Clinica Membrebe:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category