08/06/2025
Sinasabi ko sa mga pasyente ko, “Hindi naman po required na may dala po kayo para sa akin, ha. Gagamutin ko pa din kayo.” (Wala naman akong choice - JOKE 🤪😁😂) Sagot nila, “Ok lang po, Doc. Tanggapin nyo na po, maliit na bagay lang po ‘yan. ‘Yan na din po ang paraan namin para mapakita sa inyo na kami ay lubos na nagpapasalamat sa mga ginagawa nyo para sa amin.”
I have nothing to say but, really, “Thank you, from the bottom of my heart.” Minsan nga, naiisip ko, habang buhat-buhat ko pauwi ang mga bigay nila, parang nabubuhay na din ako sa mga ayudang bigay ng mga pasyente, eh. 😂😍 Nakakaaliw din kasi nagugulat na lang ako sa mga binibigay nila. Minsan may nagbigay ng bra (Totoo! Kasama ko nga, binigyan ng isang set ng panty). May nagbigay ng gulay minsan, na akala ko tanim nya, yun pala hiningi lang nya sa kapitbahay nilang may garden para lang may maiabot sya sa’kin. 🥹 Syempre, hindi nawawala ang mga prutas, chicharon, tinapay, ulam, desserts, at isa sa mga paborito ko, ang bagoong. 🥰 ‘Yang photo frame na may picture, bigay yan ng pasyente ko. I find that a very thoughtful gesture. She took the picture during our Christmas Party last year, had it printed, and placed it in a frame. Sa panahon ngayon na halos lahat ay nasa smartphone na, pati mga larawan, kakaiba na ang dating sa’kin na nireregaluhan ako ng ganito. This is just MY share of the story, by the way. My co-fellows have their own unique versions of heartwarming - and sometimes hilarious - stories that surround the gifts that they have received from their patients.
Nakakaantig ng puso na kung sino pa ang pinagkaitan sa buhay (at nagkasakit pa ng kanser), ay sya pa’ng nakakapag-isip na magbigay. May mga panahon nga na mas positibo pa ang pananaw nila sa buhay kaysa mga nakakaluwag at walang sakit.
Okeeeyyyy, tama na ang drama 😂 at tapusin na ang essay of the day. 😂 Bubuksan ko muna itong mga bigay nila. Thank you for reading this far. Amping mo! (You all take care!)