05/03/2025
𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧? 🥵
𝗔𝗹𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗵𝗼𝘄 𝘁𝗼 𝗕𝗘𝗔𝗧 𝗧𝗛𝗘 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝘁𝗵𝗲𝘀𝗲 𝘁𝗶𝗽𝘀!
☀️ Iwasang lumabas ng bahay kapag mataas na ang sikat ng araw. Maaaring gawin nang maaga o sa bandang hapon kung kailan hindi na mataas ang tirik ng araw ang mga gawain sa labas.
💧 Keep hydrated! Uminom ng maraming tubig.
☂️ Magdala ng payong o pamprotekta sa matinding init ng araw.
👕 Magsuot ng magagaan at maluluwag na damit. Iwasang magsuot ng mga dark colored na damit.
𝗦𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝘁𝗲𝗺𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮, 𝘁𝘂𝗺𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗮𝘁 𝘀𝘁𝗿𝗼𝗸𝗲! 🤒
𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗹𝗲𝗿𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗲𝗻𝘆𝗮𝗹𝗲𝘀 𝗮𝘁 𝘀𝗶𝗻𝘁𝗼𝗺𝗮𝘀 𝗻𝗶𝘁𝗼.
🌡️Temperatura na sobra sa 40 degree celsius
🌡️Mainit, namumula at tuyong balat
🌡️Pagkawala ng malay, kombulsyon, disorientation on nawawala sa sarili
🌡️Pagkahilo, pananakit ng ulo, pagsusuka o pagduduwal
🌡️Pangangalay o pamumulikat ng mga kalamnan
𝗞𝘂𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗵𝗲𝗮𝘁 𝗲𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆, 𝗮𝗴𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴-𝗹𝘂𝗻𝗮𝘀.
🌳 Ilipat ang biktima sa malilim at malamig na lugar, o iiwas agad sa tirik na sikat ng araw
🧥Tanggalin ang mga damit na dumadagdag sa init ng katawan
💦Wisikan ng tubig ang buong katawan
🪭Paypayan o itapat sa electric fan
🧊Kung may ice packs, ilagay ito sa pisngi, palad, at talampakan ng biktima
🚑Tumawag agad ng tulong at dalhin sa pinakamalapit na primary care provider
Sama-sama tayong mag-BEAT THE HEAT! 🌞