22/10/2024                                                                            
                                    
                                                                            
                                            21 OCTOBER 2024 
Sa pangunguna ni City MAYOR Dennis DENHA Hain sinimulan ng Cabuyao City Health Office II  ang 
School-Based Immunization (SBI) / BAKUNA ESKWELA  sa DIEZMO INTEGRATED SCHOOL kasama ang mga kinatawan ng Department of Health at  City Schools Division of Cabuyao upang maprotektahan ang mga bata laban sa mga sakit na maaaring maiwasan ng bakuna tulad ng tigdas, rubella, diphtheria, tetano, at cervical cancer.
Sa programang ito, binakunahan ang mga mag-aaral sa Grade 1 at Grade 7 ng bakuna laban sa Measles Rubella at Tetanus Diptheria, habang ang mga mag-aaral sa Grade 4 ay binigyan ng Human Papillomavirus vaccine (pangontra sa cervical cancer). 
Nagpapasalamat po kami sa punong-g**o, g**o, at kawani ng Diezmo Integrated School at kay Kapitan  Malabanan at mga konsehal  sa kanilang dedikasyon at suporta upang matiyak ang maayos at matagumpay na kampanya ng pagbabakuna. Pinasasalamatan din namin ang mga magulang ng mga mag-aaral sa Grade 1, 4, at 7 sa pagpapahintulot na mabakunahan ang kanilang mga anak. 
Sinimulan na rin ang pagbabakuna sa mga estudyante ng Pittland Elementary School. 
Sa  , Bawat Buhay Mahalaga! ☝️
  
 
 
 
Bagong Cabuyao CIO