14/03/2026
📢 OPISYAL NA PAALALA SA LAHAT NG VGCML DEALERS AT MEMBERS
Naglabas ng Memorandum No. 9, Series of 2026 ang management ng VGCML International Marketing Corp. bilang gabay sa lahat ng dealers, resellers, stockists, at members ng VGCML Distribution Network.
Layunin ng memorandum na ito na:
✅ Protektahan ang VGCML distribution network
✅ Palakasin ang suporta sa mga opisyal na produkto ng kumpanya
✅ Maiwasan ang pag-promote o pagbebenta ng mga produktong direktang kakompetensya ng VGCML sa loob ng network
Ang lahat ng miyembro ay inaasahang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang integridad, pagkakaisa, at paglago ng ating organisasyon.
⚠️ Ang hindi pagsunod sa mga patakaran ay maaaring magresulta sa disciplinary action alinsunod sa polisiya ng kumpanya.
Maraming salamat sa patuloy na suporta at pakikiisa sa pagpapalakas ng VGCML brand at distribution network.