Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda Para Sa Pilipinas.

21/05/2023

Ako'y mayroong tunay na minahal ng wagas, ngunit sya ri'y naglisan mula sa aking piling.

21/05/2023

Ang mga Pilipino ngayon ay hindi dapat tumulad sa maling sistema ng nakaraan. Kayo ay mag tulong tulong upang isulong ang tamang kaisipan. Ang inyong mga yapak ay susundin ng mga susunod na henerasyon upang maipagpatuloy ang ating kultura. Ako ay patuloy na maniniwala sa inyong mga kakayahan kaya't inyong panatiliin ang alab ng damdamin bilang isang tunay na Pilipino.

Para sa ating bayan, at para sa kinabukasan, kabataan.

21/05/2023

Nararapat na ating tangkilikin pa rin ang sariling atin sapagkat ang taong hindi nagmamahal sa sariling wika ay daig pa ang malansang isda.

21/05/2023

Aking naaalala na minsa'y sinabi ko na ang kabataan ang pag asa ng bayan. Ako'y nababahala na ang aking mga salita ay napunta lamang sa wala. Tinitiyak ko na ang mga kaalamang ito ay hindi balewala lamang, pagka't ito'y magiging pundasyon para sa kinabukasan. Ang mga musmos na ito ay nananatiling pag-asa sa pag unlad ng ating bayan. Sila'y inyong patuloy na hubugin at turuan ng ating pinagmulan.

21/05/2023

Ako ay nagulat ng malaman ko ang makabagong pamamalakad sa henerasyon ngayon. Ang aghimuan ngayon ay tiyak na mas maunlad kaysa sa aking nakasanayan. Nagagalak akong makita na mas napapadali ang buhay ng mga Pilipino sa ganitong pamamaraan.

Ngunit akin din namang nabatid ang maling kaisipan sa mga kabataan ngayon. Tila'y walang interes na malaman ang kasaysayan ng Pilipinas sapagkat ito'y "boring", na nalaman ko ay nakayayamot daw ang kahulugan. Ito nama'y naging sanhi ng aking kalungkutan sapagkat malaki ang pinagdaanan ng ating bansa upang makarating sa ganitong estado.

21/05/2023

Tila'y iniiba ata ng mga kabataan ngayon ang ibang mga kasulatan sa aking nobela. Hindi ko ito maintindihan ngunit aking nakikita na nakararami ang tumatawa sa "post" na ito tungkol sa akin.

21/05/2023

Hinangad ko ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga kolonyalistang Espanyol, kung gaya't inilathala ko ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Nagbigay daan ang aking mga nobela sa paglaya ng ating bansa mula sa matagal na pagkakabilanggo natin sa mga kastila.

21/05/2023

Ako si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda, o mas kilala sa tawag na Dr. Jose Rizal. Layunin ko ang mabuksan ang isipan ng aking mga kababayang Pilipino mula sa maling kaisipan na itinatak ng mga mapang-abuso. Ako ay tumungo sa iba't ibang bansa upang lalo pang palawakin ang aking karunungan sa mga iba't ibang kurso tulad ng medisina. Pinagsikapan ko ang aking pag aaral upang maipahiwatig ko ang aking paninindigan ukol sa ating inang bayan.

Address

Calamba

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share