BUCAL Health Station Calamba

BUCAL Health Station Calamba Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BUCAL Health Station Calamba, Medical and health, Calamba.

24/02/2025

Good day

16/07/2024

Anunsiyo:

Sa mga magpapaturok po ng Penta,wala pa po tayong supply from CHO.Kung kayo po ay nababahala dahil sa bakuna na hindi pa natatanggap ng inyong mga anak maaari po kayong pumunta sa inyong pedia o private clinic para magpa vaccine....yun nga lang po may bayad....

Measles (MR) at Measles Mumps Rubella(MMR) lamang po ang available sa ating Health Center sa ngayon.
Hindi pa po alam kung kailan magkakaroon Ng supply....

Salamat po sa inyong pang unawa....

26/06/2024

Isang Magandang Araw mga Ka Barangay Bucal

Ano:Free Chest X-ray

Sino:Mga mamamayan Ng Barangay Bucal edad 18 pataas,lalo na po ang mga naninigarilyo,may diabetis at mga senior Citizen....

Kailan:June 28,2024
@8:00-12:00 Noon.
Kasabay ng ating Medical Mission....

Saan:Covered Court Bucal

Ang lahat po ay inaasahan na makiisa sa ating free chest x-ray....

Salamat po....

14/06/2024

Isang magandang Araw po Barangay Bucal....

ANUNSIYO.....

Sino:Sa Lahat Ng kababaihan (10-49 years Old)

Ano:Implanon Insertion

Saan:Halang Health Center

Kailan:June 21,2024 at
6:00 Am onwards

Please Contact
Grace Peñaflor Family Planning Coordinator
0993 965 8428

Thank you🙂
Have a nice day💚

02/05/2024

Mga ka Barangay Bucal

Announcement📣📣

Umpisa na po ang ating Mass immunization/OPV SIA para po sa mga Batang 0-59 months..

Ano po ang ibibigay na vaccine sa mga batang ito?

📌Oral Polio Vaccine
Ito po ay iwas Polio, ipinapatak lamang sa bibig ng bata...

House to house and Fixed site po ang ating gagawin,mangyaring pakidala po Ang inyong mga anak dala Ang kanilang baby book...

Sa mga malalapit po sa b
Bucal Health Station/Center maaari na ninyong dalahin Ang inyong mga anak,simula po bukas.
Buong Buwan po namin itong gagawin.....

Marami pong salamat....

Hintay po tayo sa mga susunod na schedule.....

Narito po ang mga schedule:

May 7,2024

Purok 1 PNR
Purok 6 PNR
Purok 1 SHAI
Purok 1 Lakeview Subdivision

May 8,2024 onwards

JC,NATIONAL HIGHWAY,VANESSA,MONTANA Subdivision,and Grandville,Gemsville,Purok 3,4,5,at 6 National Highway....

Note:::
Yung sa JC,Vanessa,and Purok 1 National Highway pwede na po bukas dalahin sa health center 9:00am....

Muli ito po ay nationwide kaya sana po ay makipagtulungan ang lahat.
Salamat po....

FYI po mga kabarangay Bucalhttps://www.facebook.com/share/p/WcDZnxMQwnLgf8eU/?mibextid=WC7FNe
04/04/2024

FYI po mga kabarangay Bucal
https://www.facebook.com/share/p/WcDZnxMQwnLgf8eU/?mibextid=WC7FNe

Ang PERTUSSIS o WHOOPING COUGH ay lubhang nakakahawang impeksyon na dulot ng bakteryang BORDETELLA PERTUSSIS. Lahat ng edad ay maaaring kapitan ng PERTUSSIS. higit itong mapanganib sa mga BATA AT SANGGOL.

SINTOMAS
- LAGNAT (>38°C), UBO AT SIPON na maaring tumagal sa loob ng 1 HANGGANG 2 LINGGO.
- Sunod sunod o walang humpay na pagubo na may "WHOOPING" sound.
- PAGSUSUKA na dulot ng matinding pag-ubo.

TANDAAN!!!
- MAGPABAKUNA NG PENTAVALENT VACCINE na ibinibigay ng TATLONG DOSES sa batang may edad 6, 10 AT 14 NA LINGGO.
- Kung nakakaranas ng mga nabanggit na sintomas, MAGPAKUNSULTA KAAGAD SA DOKTOR o MAGTUNGO SA PINAKAMALAPIT NA HEALTH CENTER O HOSPITAL sa inyong lugar.



12/03/2024

To all Ka Barangay Bucal follow and share ❤️❤️

Address

Calamba
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BUCAL Health Station Calamba posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to BUCAL Health Station Calamba:

Share