14/10/2025
Ilang mga linggo ko na ring nao-obserbahan sa clinic sa Caloocan at sa mga estudyante sa isang unibersidad sa Quezon City na napakarami ng nagpapakonsulta dahil sa lagnat, ubo, sipon, sakit ng ulo, pangangati ng lalamunan at may kasama pang panghihina ng katawan. Sa ganitong panahon ng taon ay talaga namang inaasahan na magiging karaniwan ang mga sakit kagaya ng trangkaso (influenza) at iba pang mga kondisyon kagaya ng ibang upper respiratory tract infection dulot ng mga virus. Kung may nararamdaman na na mga sintomas, huwag na pumasok sa opisina o sa eskwelahan. Manatili na muna sa bahay, iwasang makihalubilo at magpagaling para hindi na kumalat ang impeksyon. Gumamit ng face mask at ugaliing maghugas ng kamay. Palakasin ang resistensya sa katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na tulog o pahinga at pagkain ng mga masusustansiyang pagkain. Ingatan ang katawan at iwasang magkaroon ng mga komplikasyon lalo na sa mga bata at mga may edad.
Due to the recent increase in flu-like and upper respiratory tract infection (URTI) cases among students, FEU Diliman will shift to 𝙨𝙮𝙣𝙘𝙝𝙧𝙤𝙣𝙤𝙪𝙨 𝙤𝙣𝙡𝙞𝙣𝙚 𝙘𝙡𝙖𝙨𝙨𝙚𝙨 for 𝗔𝗟𝗟 𝗟𝗘𝗩𝗘𝗟𝗦 tomorrow, Tuesday, 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟱.
Stay safe, Tamaraws.