![Eto guys. Maraming ganito sa exam. sana makatulong.[TOPIC] : Percentage/Base/Rate[LEVEL OF DIFFICULTY]: EASY-----...](https://img3.findhealthclinics.com/459/745/117140014597454.jpg)
12/01/2023
Eto guys. Maraming ganito sa exam. sana makatulong.
[TOPIC] : Percentage/Base/Rate
[LEVEL OF DIFFICULTY]: EASY
----------------------------------
Ang "Percentage-Base-Rate" ay kambal ng "DISCOUNT", "COMMISSION" at "INTEREST"
Useful ang MAHIWAGANG TRIANGLE para di maconfuse sa operation na gagamitin pag nagsolve. Kung ano ang nawawala, takpan sa triangle, sisiw na i-solve.
/ P \ PERCENTAGE: Part ng whole
/ ÷ ÷ \ BASE: Ito yung kabuuan
/ B x R \ RATE: Ito yung may %
*Madalas, after ng word na "of" ay ang BASE
*Madalas, after ng word ng "is" ay ang PERCENTAGE
*Ang RATE laging may %
[Memorize: "OF BASE" at "IS PERCENTAGE]
40% of 200 is 80.
R B P
Sample Problem: 18% of 270 is what number?
[STRATEGY]
• Identify kung ano ang given at missing.
R=18% o 0.18
B=270 (kase nga "OF BASE)
P = ?
• TAKPAN si "P" sa MAHIWAGANG TRIANGLE, kase sya ang missing. Di ba makikita nyo is B x R. So ganun lang, multiply lang si 270 x 0.18, so ang sagot is 48.6
-------------------------------
Parehas ang concept kay DISCOUNT.
/ D \ DISCOUNT: Perang binawas sa orig price
/ ÷ ÷ \ MARKED PRICE: Orig na presyo
/ MP x R \ RATE: Eto yung may %
NEW PRICE/SALE PRICE: Bagong presyo after binawas si discount sa marked price
NP= MP - D
Sample Problem: A denim pants was put on a 15% sale today. If it costs Php500 yesterday, how much will you pay if you purchase it?
[STRATEGY]
• Identify given at missing.
R = 15% o 0.15
MP = Php500
D = ?
NP = ?
• Unahin hanapin si D, kase nasa mahiwagang triangle sya. TAKPAN si D kase missing. Di ba ang makikita mo is MP x R. So ang DISCOUNT naten is Php500 x 0.15 = Php75.
•Syempre, para makuha naten ang bagong presyo (NP), ibawas lang naten yung Discount sa original na presyo (MP). So, Php500 - Php75 = Php425. Yan na sagot.
-------------------------
Since magkakambal etong mga ito, same concept kay COMMISSION. Ang COMMISSION is yung part ng kabuuan ng pera na binibigay, pwedeng nakabenta ka ng lupa kunware. O sa work mo kunware, kada benta may commission ka na makukuha.
/ C \ COMMISSION: bayad sa pagbebenta
/ ÷ ÷ \ GROSS PROCEEDS: presyo ng binenta
/ GP x R \ RATE : Eto yung may %
NET PROCEEDS: Eto yung malinis na pera ng pinagbentahan, bawas na ang Commission
NP = GP - C
Sample Problem: Nakatanggap ng Php50,000 na komisyon si Dagul nang maibenta niya ang lupa ni Mang Ador. Kung ang kanyang natanggap ay 12.5% ng kabuuang presyo, magkano niya naibenta ang lupa? Magkano ang naiuwi ng may-ari ng lupa na si Mang Ador?
[STRATEGY]
• Identify given at missing.
C = Php50,000
R = 12.5% o 0.125
GP = ?
NP = ?
•TAKPAN si GP kase siya ang missing. Di ba makikita lang naten ay si C÷R. Divide lang, so Php50,000÷0.125 = Php400,000. Yung NP naman, syempre ibawas lang yung commission ni Dagul sa presyo ng naibenta nyang lupa, Php400,000-Php50,000 = Php350,000.
------------------------------------
Ang huling kakambal ay si iNTEREST. Ito din ang formula kay INVESTMENT.
/ I \ INTEREST: Presyong ipinatong sa inutang
/ ÷ ÷ ÷\ PRINCIPAL: Perang inutang
/ P x R x t \ RATE: Eto yung may %
TIME: Panahon para mabuo ang bayad (Laging years)
AMOUNT: Eto yung kabuuang babayaran mo. Syempre yung perang inutang plus yung patong o interest.
A = P + I
Sample Problem: Hanabi made a loan amounting to Php80,000 at 2% interest rate. The total amount she paid at the end was Php84,000. How long did she pay for the loan?
[STRATEGY]
• identify given at missing.
P = Php80,000
R = 2% o 0.02
A = Php84,000
t = ?
•Obvious naman na ang pumatong sa inutang nya ay Php4,000. So ang INTEREST naten is Php4,000 (A = P+I) --> Php84,000=Php80,000 + I --> I = Php84,000 - Php80,000 --> I = Php4,000.
•Takpan si "t" kase sya ang missing. Ang makikita nalang naten sa mahiwagang triangle is I ÷ (P x R); so, Php4,000÷(Php80,000 x 0.02) --> Php4,000 ÷ Php1,600 = 2.5 YEARS.
------------------