
12/07/2025
❗️BUKOD SA LEPTOSPIROSIS, MGA BATANG NAGLALARO SA BAHA PWEDENG MAGKA-ASCARIASIS DALA NG MGA BULATE❗️
Babala ng DOH, hindi lang Leptospirosis ang maaaring makuha sa baha, kundi ang mga Soil-transmitted Helminths (STH) infections, tulad ng Ascariasis, Trichuriasis, at Ancylostomiasis. Madalas na tinatamaan ng mga STH ay ang mga batang hindi nagpapurga.
Ayon sa datos ng DOH noong 2024, 57% pa lang ng batang 1-4 years old ang nagpapurga sa kabila ng libreng Deworming tablets na binibigay sa mga health center.
Ilan sa mga sintomas ng STH infections ang:
✔️Pananakit ng tiyan
✔️Pagtatae
✔️Panghihina
✔️Rectal prolapse (Paglabas ng laman ng pwet)
✔️Mabagal na paglaki ng katawan at isipan ng bata
Paalala ng DOH sa mga magulang, huwag hayaang maglaro sa baha ang mga bata at gawin ang W.O.R.M.S para maiwasan ang impeksyon na dala ng mga bulate! 🪱