02/02/2023
Pano mo ba magagawang mapanatiling motivated at inspired ang sarili mo kahit na sa panahon ng crisis o sa mga pagsubok na dumarating?
I know this can be challenging!
Ano ang pwede mong gawin para palagi kang inspired, motivated at palaging on-the-go para kunin ang mga goals mo at mga pangarap mo.
Yes makakatulong ang pagbabasa ng mga libro, Pwede kang manood sa youtube
Pwede kang makinig sa mga video courses.
Pwede kang makinig sa mga speakers para ma motivate at ma-inspire.
Pero for me, merong much better na pwede mong sikaping ma-achieve para palagi kang inspired at motivated.
Ano ang mga bagay na iyon? Ang tinutukoy ko is called CLARITY ibig sabihin nito miron kang KALINAWAN.
Anong klaseng clarity ang kailangan mo para makuha ang mga goals mo at tsaka tuparin ang mga pangarap mo?
Dalawang klaseng CLARITY...
Una, clarity kung anong kakayanan meron ka kailangan malinaw sayo kung anong kakayanan ang meron ka bilang tao.
At maraming tao, ang nakakalungkot, hindi nila narerealize na miron silang kakayanan at miron silang kapabilidad na ma- achieve yung gusto nilang ma-achieve.
Puro limitasyon nila ang nakikita nila 🙂
"Hindi ko yan kaya kasi ganito lang ang natapos ko"
"Hindi ko yan kaya kasi wala akong experience, ect."
Lahat ng limitations, iyon ang nakikita nila so wag mong pansinin ang limitastions mo!
Kailangan malinaw sayo ang kakayahan mo kasi yung mga kakayahan na meron ka, yun ang tutulong sayo na makuha ang mga goals mo.
Pangalawang bagay na kailangan na maging malinaw sayo ay yung lugar na gusto mong mapuntahan o yung goal na gusto mong ma-achieve.
SAAN MO GUSTO MAKARATING?
Ano ba ang gusto mong mapuntahan ano ba ang goals na gusto mong maabot?
Maraming tao ang, hindi malinaw sa kanila kung ano ba ang gusto nilang mangyari sa buhay nila.
Imagine, pumunta ka sa mall kapag pumunta ka sa mall at kung hindi malinaw sayo kung saan ka bibili o kung anong gagawin mo doon, Anong mangyayari sayo?
Ang mangyayari mag-wa-wander ka doon sa mall at hindi mo malalaman na lumilipas na ang uras mo
kung saan saan kana pumupunta napagod kana, nasayang na ang uras mo, Kasi hindi malinaw sayo kung ano ang gagawin mo nung
pumunta ka sa mall.
Pero kapag malinaw sayo kung ano ang eksaktong gagawin mo, kung saan ka pupunta di ba saglit lang?
Pagpasok mo sa mall andoon kana kaagad sa gusto mo puntahan.
Ganun din sa buhay, kailangan maging malinaw kung ano ang gusto mong ma-achieve.
kung bakit mo ba ginagawa ang ginagawa mo.
Ito ang dalawang bagay na kailangan maging malinaw sayo:
1. Kakayanan mo
2: Lugar o bagay na gusto mong ma-achieve
Simpleng paraan para ma-motivate ang sarili para sa panahon ng crisis o pag subok na darating!