Dr.vita barley PH

Dr.vita barley PH 1.5 grams (30 sachets) green powder juice in a box very effective for kidney,gallstone,constipated,b

07/08/2021
New promo available this August. Order now
03/08/2021

New promo available this August. Order now

21/07/2021
Munggo Masustansya, Hindi Bawal sa ArthritisPayo ni Dr Liza Ramoso-Ong at Doc Willie Ong Masustansya, masarap, at mura a...
21/05/2021

Munggo Masustansya, Hindi Bawal sa Arthritis

Payo ni Dr Liza Ramoso-Ong at Doc Willie Ong

Masustansya, masarap, at mura ang munggo. MALI ang paniniwala na masama ito sa arthritis. Sa katunayan, maraming itong benepisyo sa puso, utak at katawan.
Ilang sa mga benepisyo ng munggo ay:
1. Bagay ang munggo sa lahat ng tao dahil napakaraming bitamina at mineral tulad ng vitamin A, vitamin K, vitamin B1 o Thiamine, B2 o Riboflavin, B3 o Niacin o Trytophan, B5 o Panthothenic acid, B6 o Pyridoxine, B9 o Folate o Folic Acid; mga mineral tulad ng copper, iron, manganese, zinc, phosporus, magnesium, potassium, calcium at sodium.
2. Bagay ang munggo sa lumalaking bata dahil sa kumpleto sa bitamina at mineral.
3. Merong anti-oxidants laban sa pagtanda at panlaban sa kanser gaya ng vitamin A, C, E at beta carotene. Ang vitamin A, B1, B2, B6 ay pang-neutralize ng free radicals laban sa kanser at Alzheimers’ disease.
4. Ang laman na purine ng munggo ay katamtaman (moderate) lamang kaya pwede kainin ng may rayuma. Kung mataas ang uric acid ay hinay hinay lang pagkain, hindi po bawal. Ang bawal sa merong gout ay yung mataas sa purine tulad ng atay, pale, bato, balunan o yung nasa bopis.
5. Mayroong isoflavones na katulad ng hormone na estrogen ng babae na kailangan para sa pre-menstrual syndrome, hot flushes at insomnia.
6. May taglay na calcium at phosphorus para sa buto.
7. Maganda sa puso dahil walang cholesterol at ang fiber sa munggo ay laban sa bad cholesterol.
8. Inirerekomenda ito ng American Diabetes Association dahil mababa ito sa Glycemic Index kaya pwedeng kainin ng may diabetes.
Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Isama din ang munggo sa mga talbos ng ampalaya o bunga, talbos ng malunggay, sili, spinach, alugbati, kangkong, sitaw, kalabasa at talong. Siguradong malusog at malakas kayo.

20/05/2021

Pagbunot ng Buhok sa Ilong, Posibleng Mag-Impeksyon sa Utak
Payo ni Doc Willie Ong

Marami ang hindi nakakaalam na may “danger triangle” sa ating mukha. Ito ang lugar mula sa ilong hanggang sa bibig kung saan ang anumang impeksyon dito ay posibleng pumasok sa ating utak. Bihira lang ito mangyari pero posible pa rin.
Kaya huwag ninyong tirising ang tigyawat sa mukha at huwag din bunutin ang buhok sa ilong dahil posible itong mag-impeksyon. Ang medikal na tawag dito ay “Cavernous Sinus Thrombosis” isang nakamamatay na impeksyon sa utak.
Madalas ay hindi magandang tingnan kapag masyado nang mahaba ang buhok sa ilong. Ngunit mahalaga ang mga buhok sa ilong lalo na sa pagsala ng mga dumi sa hangin kapag tayo ay humihinga. At may mahalagang dahilan kung bakit hindi mo dapat ito bunutin.
Maraming mga mikrobyo ang naninirahan sa ating ilong. Kapag binunot mo ang buhok nito, magkakaroon ng space kung saan maaaring pumasok ang mikrobyo at magdulot ng impeksyon sa iyong katawan.
Dahil ang ilong ay nasa "danger triangle", posibleng makapunta ang mikrobyo sa iyong utak at magdulot ng impeksyon doon. Ito ay dahil ang mga ugat na nanggagaling sa ilong ay may komunikasyon sa mga ugat na nanggagaling sa utak.
Kapag nakapunta ang mikrobyo sa utak maaaring magdulot ito ng meningitis o brain abscess o pamamaga ng utak.
Kaya, ugaliin na lamang na i-trim o gupitin ang mga buhok sa ilong na nakalas. Huwag itong bunutin upang hindi magkaroonng sugat o open area kung saan makakapasok ang mikrobyo.
Ang artikulo ko ngayon ay base sa research at sulat ni Ourlad Tantengco

Mahilig ka ba sa mangga? Ayon sa mga eksperto, marami itong benepisyo sa ating kalusugan, lalo na ng ating puso. Sakto, ...
05/05/2021

Mahilig ka ba sa mangga? Ayon sa mga eksperto, marami itong benepisyo sa ating kalusugan, lalo na ng ating puso. Sakto, panahon pa ngayon ng mangga!

Ibahagi ito para sa kaalaman ng iba.

Newest promo wow😯😲
04/05/2021

Newest promo wow😯😲

Mag-ingat Sa StrokePayo ni Doc Willie OngSa Pilipinas, pangalawa ang stroke sa 10 pangunahing sakit na nakamamatay. May ...
02/05/2021

Mag-ingat Sa Stroke
Payo ni Doc Willie Ong

Sa Pilipinas, pangalawa ang stroke sa 10 pangunahing sakit na nakamamatay. May 110 Pilipino ang nasasawi araw-araw dahil sa stroke. Ang mga taong may edad, may high blood pressure, diabetes, at sakit sa puso ang mas nagkakaroon ng stroke.

Dalawang Klase Ng Stroke:
Ang stroke ay isang sakit kung saan nagbabara ang ugat sa utak (Medical term: Ischemic Stroke). Dahil ang utak natin ang nag-ko-kontrol ng paggalaw ng ating katawan, kadalasan ay nanghihina ang kamay o paa ng isang taong na-stroke. Ang iba pang posibleng sintomas ng stroke ay ang pagkabulol, pamamanhid, pananakit ng ulo, at panlalabo ng mata.
Mayroon ding pangalawang klase ng stroke kung saan nagdurugo ang utak ng pasyente dahil may pumutok na ugat (Medical term: Hemorrhagic Stroke). Kadalasan ay mataas ang blood pressure ng ganitong pasyente.

Paraan Para Makaiwas Sa Stroke:
1. Panatilihin ang blood pressure na mas mababa sa 130 over 80. Kapag ang iyong blood pressure ay 140 over 90, o mas mataas pa, ang ibig sabihin ay may altapresyon ka at kailangang magpatingin sa doktor.
2. Kung kayo ay may diabetes, panatilihin ang fasting blood sugar na mas mababa sa 120 mg/dL (6.7 mmol/L). Ang normal na blood sugar level ay 100 mg/dL (5.6 mmol/L) o mas mababa pa. Ang diabetes ay nakasisira sa ugat ng ating utak. Gamutin ito.
3. Ipasuri ang cholesterol levels sa dugo at panatilihin ito sa 200 mg/dL (5.2 mmol/L) o mas mababa pa. Ang mataas na cholesterol ay puwedeng magdulot ng pagbabara sa utak. Bawasan ang pagkain ng mga matataba at mamantikang pagkain.
4. Huwag magpataba. Alamin ang tamang timbang at pilitin itong maabot.
5. Itigil ang paninigarilyo. Ang isang stick ng sigarilyo ay may 10-20 mg ng ni****ne na masama sa ating ugat.
6. Limitahan o umiwas sa pag-inom ng alak. Ang taong malakas uminom ng alak ay mas mataas ang tsansang ma-stroke at ma-aksidente.
7. Huwag gumamit ng droga. Ang shabu ay isang pangunahing sanhi ng stroke sa kabataan.
8. Umiwas sa air pollution

📌𝗔𝐧𝐠 𝗔𝗖𝗜𝗗 𝗥𝗘𝗙𝗟𝗨𝗫/𝗚𝗘𝗥𝗗 ay nagagamot NGUNIT bumabalik oras na maulit ang pagbalik ng mga bad bacteria at sobrang stress, H...
30/04/2021

📌𝗔𝐧𝐠 𝗔𝗖𝗜𝗗 𝗥𝗘𝗙𝗟𝗨𝗫/𝗚𝗘𝗥𝗗 ay nagagamot NGUNIT bumabalik oras na maulit ang pagbalik ng mga bad bacteria at sobrang stress, HINDI ito nakamamatay. Nagtatagal ito sa katawan DEPENDE kung gaano kadami ang bad bacteria sa tyan o kung paanong diet ang ginagawa. Sundin ang healthy lifestyle kung kinakailangan upang mabilis gumaling.
Kaya habang maaga magandang masimulan na nating alisin lahat bad bacteria sa katawan natin kung saan kayang magdahilan ng ibat ibang maraming sakit katulad nalang ng ACID REFLUX/GERD.

Bukod sa labis na kalungkutan, marami pang ibang senyales ang depression. Kung ikaw o ang iyong kilala ay nagpapakita ng...
30/04/2021

Bukod sa labis na kalungkutan, marami pang ibang senyales ang depression. Kung ikaw o ang iyong kilala ay nagpapakita ng mga sintomas na ito, huwag mahihiyang humingi ng tulong.

Makipag-ugnayan sa National Mental Health Crisis Hotline sa mga numerong ito: 0917-899-8727 o 989-8727

Ibahagi ito para sa kaalaman ng iba.

Address

Kasambagan Banilad Cebu City
Cebu City
6000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr.vita barley PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram