21/07/2024
Hindi po totoo na effective na pampataas ng Platelet ang Tawatawa, Balut, Itlog ng Pugo, Papaya leaves, Durian, talbos ng kamote, magic balls at kung ano ano pa.
Pagmasdan niyo po ang graph na ito. Nakahighlight ng green ang pagbaba at pagtaas ng Platelet. Yan po talaga ang PATTERN ng platelet.
Mapapansin niyo na tumataas sya sa ika anim na araw.
Kaya maraming nag-aakala na yung herbal na advise ng kapitbahay ang nakapataas , eh ang di nila napansin ay pang-anim na araw na pala yun, simula nagkalagnat. Di nila alam pattern talaga yun. Ibig sabihin kahit di sila nagherbal nung araw nung pagtaas na nakasulat ay tataas pa rin ng same number with or without herbal or itlog, etc.
Bakit may nagiging malubha ang dengue?
Kung nadehydrate ang patient, hindi po makakabalik ang pagtaas ng platelet sa araw na nakasaad at possibleng maging 50/50 na.
Maraming occasion namamatay ang pasyente dahil delayed ang pagkaadmit dahil nga nagheherbal pa sa bahay.
Dapat nadextrose na ng 3rd day of fever.
Meron ding naadmit subalit, di napansin na mahina pa rin ang pagihi. So kailangang ihydrate pa more para ihi ng ihi ng kulay light yellow na ihi.
Isipin niyo po ang diarrhea, kunwari ang gamot mo ay pugo, balut, dahon-dahon at di mo tinutukan ang hydration, of course marami ang maging peligro.
Ang dengue ay dehydration din pero sikreto. Hindi sa pwet ang labas ng tubig kundi sa mga ugat na para bang nabutas. Ang tawag doon ay plasma leakage. Hindi nakikita ng mata mo yun pero ganun pa man parang diarrhea pa rin. Merong severe at merong mild. Kung nagkataong severe type, biglang dehydrated yan ng di mo namamalayan. Kaya dapat listo ka sa hydration.
Kung di hydrated yung patient at di umi ihi ng madalas, kahit anong herbal walang mangyayari. Kung baga, ang kalabaw ang hydration, yun ang nagtrabaho. Yung langaw na nasa ulo niya, yun yung herbal, na nagyabang na sya ang nagtrabaho. Gets?