02/09/2025
True
‘HINDI KAWAWA ANG BATANG TINUTURUAN SA MGA GAWAING BAHAY. MAS KAWAWA SIYA LUMAKI NG WALANG ALAM.’
Kasi sa totoo lang, hindi parusa ang turuan ang bata ng gawaing bahay. Ito ay paghahanda para sa future niya. Kapag marunong siya, hindi siya mahihirapan pagdating ng panahon.
Hindi lahat ng bagay matututunan sa school. Yung simpleng paglilinis, pagluluto, at pag-aalaga ng gamit, malaking tulong sa totoong buhay. Ito ang foundation ng pagiging independent.
Kung bata pa lang natuto na siyang mag-responsibilidad, lalaki siyang may disiplina. At yung disiplina na yun, madadala niya kahit saan siya mapunta. Yan ang hindi matutumbasan ng kahit anong yaman.
Minsan kasi, mga magulang natatakot na baka mahirapan ang anak. Pero sa totoo lang, mas malaking hirap kapag lumaki silang walang alam. Kaya mas mabuti nang turuan habang maaga.
At tandaan, ang pagtuturo ng gawaing bahay ay hindi lang para maging madali ang buhay sa bahay. Isa itong paraan para hubugin ang karakter ng bata. Kasi kapag may alam ka, hindi ka basta basta mawawala.
Vice Ganda