19/07/2025
Ikaw ba ay lalaki, edad 40 pataas, at nakakaranas ng:
>Hindi makaihi o hirap makaihi
>Kailangan umihi kada isa o dalawang oras
>Hirap pigilin ang pag ihi kapag maiihi
>Nagigising sa gabi para umihi
>Mahina ang daloy ng ihi
>Putol putol na pagihi
>Kailangan umiri o magpwersa habang umiihi
>Hindi nasasaid ang ihi pagkatapos umihi
Maaaring lumalaki ang iyong prostate gland. Ang prostate gland ay isang organ sa bungad ng pantog at maaaring lumaki simula sa edad na 40. Maaari itong magdulot ng mga simptomas na nabanggit. Kapag hindi nagamot, maaari itong magdulot ng mga komplikasyon tulad ng pagtubo ng bato sa pantog, pagdurugo sa ihi, paulit ulit na impekyson sa ihi o UTI, pagkasira ng kidneys, at paghina ng pantog.
Depende sa simptomas, maaari itong idaan sa gamot o kayapagkayod ng prostate o Transurethral Resection of the Prostate (TURP). Para sa mga katanungan tungkol sa paglaki ng prostate gland o Benign Prostatic Hyperplasia (BPH), maaaring magsend ng mensahe para magschedule ng teleconsult o face to face na konsulta sa urologist.