13/09/2025
❗️❗️❗️
Paalala‼️ MGA OTC-Over the counter na gamot sa sipon, lagnat, sakit sa katawan na BAWAL pagsabay sabayin inumin⚠️☝🏽
☝🏽Ang mga brand names na gamot tulad ng:
•Alaxan- Ibuprofen + Paracetamol
•Biogesic- Paracetamol
•Neozep at Bioflu- Phenylephrine + Chlorphenamine maleate + Paracetamol
•Medicol- Ibuprofen
🚫❌BAWAL ETO PAGSABAY SABAYIN INUMIN ang:
1.) Alaxan at Biogesic
2.) Alaxan at Neozep
3.) Neozep at BioFlu
4.) Alaxan at BioFlu
5.) Alaxan at Medicol
6.) Neozep at Biogesic
7.) Biogesic at BioFlu
Meaning….
☝🏽Ang ALAXAN at BIOGESIC ay pareho may Paracetamol na laman, ang paracetamol ay iniinom para sa Lagnat, Sakit sa Ulo o Katawan.
❌Bawal haluhan o pagsabay sa Alcohol o Alak
‼️Pwede magcause ng Urticaria (Allergy)
❌Wag araw arawin na inumin dahil pwede magcause ng Kidney or Liver Damage
⚠️Maximum dose ng Paracetamol per day: 4000mg
_______
☝🏽Ang NEOZEP at BIOFLU naman ay magkapareho ng laman, magkaiba lang ang Brand name, eto ay iniinom para sa Sipon, Allergic Rhinitis, Trangkaso.
‼️Dahil may antihistamine na laman: Chlorphenamine ang side effect ay nakakaantok. Kaya bawal inumin eto kapag magmamaneho(Driving) or nasa trabaho.
‼️Ang Phenylephrine naman ay may side effect na pagkahilo, nervousness at hypertension, kaya hindi eto binibigay sa may Highblood o Hypertension at Heart Disease.
________
☝🏽Ang ALAXAN at MEDICOL ay may pareho laman na IBUPROFEN, eto ay Anti-inflammatory effects, binibigay sa may sugat na may pamamaga or as pain reliever.
❌Hindi pwede ibigay sa mga mat sakit sa Kidney, Heart, Liver Cirrhosis, Hypertension.
‼️Wag gawin vitamins eto, Bawal inumin ng matagalan (Long term Use) dahil pwede magcause ng Heart Attack at Stroke.
‼️Hindi rin pwede inumin eto kapag walang laman ang tiyan: pwede mag cause ng GI Bleeding or Peptic Ulcer.
⚠️Do not use for more than 10 days for pain!
SAFE ang mga gamot na eto, ngunit lahat ng Sobra ay may katumbas na side effects o reaksyon sa katawan!
Ang pwede maging Complications neto ay
•Liver Damage
•Kidney Failure
•Hypertension
•Stroke
•Peptic Ulcer
•Gastro Intestinal Bleeding
✅Again, Ang mga gamot na eto ay HINDI bawal inumin, ang bawal ay ang maling pag-inum ng mga ito.
☝🏽DAPAT GAMITIN NG TAMA ANG MGA GAMOT AT SUNDIN ANG MGA PAYO NG DOKTOR SA TAMANG PAGINOM.
☝🏽At bago uminom ng gamot kaylangan lagi muna magpakonsulta sa inyong Doktor para mabigyan kayo ng nararapat na gamot base sa inyong sakit.
Dr.Mitch V. Mendoza