05/12/2025
KUMAINMENT I: Kumain ng iba’t ibang pagkain.
Hindi sapat na kumain lang, kailangan ay iba-iba ang kinakain! Walang isang "superfood" na kayang magbigay ng lahat ng vitamins, minerals, at nutrients na kailangan ng ating katawan. Kung iisa lang ang lagi nating kinakain, magkakaroon tayo ng nutritional gaps, na maaaring magpahina ng ating resistensiya.
Paano ito gawin?
Color Coding: Sikapin na may iba't ibang kulay ang inyong plato (hal. berde, p**a, dilaw, puti). Ang bawat kulay ay nagdadala ng iba't ibang benepisyo.
Pinggang Pinoy: Siguraduhin na ang inyong plato ay may tamang balanse ng Go (kanin, tinapay,root crops), Grow (isda, karne, beans), at Glow (gulay at prutas) foods sa bawat kainan.
Rotation: Huwag lang puro karne, isama ang isda at gulay. Huwag lang puro kanin, subukan ang kamote o saging bilang meryenda.
Sa ganitong paraan, sinisiguro natin ang kumpletong nutrisyon para sa pamilya! Ibahagi ang post na ito para mas marami pa ang matuto!
#1