Dr. AMG Trinidad - Med Onco

Dr. AMG Trinidad - Med Onco Medical Oncologist (Cancer Specialist) β€” Pangasinan (Dagupan City & San Carlos City)

17/08/2025

πŸ˜‡

COMPLETE RESPONSE πŸ™Good day ang araw na ito sa clinic πŸ™ Ang mga nag-follow-up na patients today ay either in REMISSION (...
11/08/2025

COMPLETE RESPONSE πŸ™

Good day ang araw na ito sa clinic πŸ™ Ang mga nag-follow-up na patients today ay either in REMISSION (No Evidence of Disease or NED) or CONTROLLED/STABLE ang kanilang cancer. Maraming pagkakataon na may pagsubok sa cancer journey ng ating patients pero sa araw na ito ay okay sila lahat. Grateful! ❀️

Bumababa na ang baha kaya back to work na since Monday πŸ˜‡
31/07/2025

Bumababa na ang baha kaya back to work na since Monday πŸ˜‡

Tanging bukas na clinic sa Villaflor Annex Building kanina. May mga patients kasi na naka-schedule ang chemo na nasa hos...
23/07/2025

Tanging bukas na clinic sa Villaflor Annex Building kanina. May mga patients kasi na naka-schedule ang chemo na nasa hospital na kaya kailangang puntahan. Masyado nga lang mataas ang baha kaya na-stranded sa ospital. Pero to the rescue ang kuliglig na padala ng isang kaibigan (first time ko makasakay!) kaya nakauwi din noong hapon. πŸ™

‼️ ATTENTION: NO CLINIC sa Villaflor (July 24) at Blessed Family (July 25) dahil sa patuloy na pagbagyo at pagtaas ng baha. Sa mga naka-schedule, paki-check po ang text namin sa inyo. Ingat po tayong lahat! πŸ™

To comfort always... πŸŽ—οΈ Maraming salamat po sa inyong appreciation... ❀️
14/07/2025

To comfort always... πŸŽ—οΈ Maraming salamat po sa inyong appreciation... ❀️

American Society of Clinical OncologyPatient Information Editorial Board
29/04/2025

American Society of Clinical Oncology
Patient Information Editorial Board

31/03/2025

Narito ang mga dapat malaman sa colorectal cancer, na tumaas ang kaso sa Pilipinas sa mga nakalipas na taon, ayon sa isang doktor. | via TV Patrol

Tingnan ang comments section para sa link ng buong detalye.

Salamat po sa aking pasyenteng taga-Bolinao na nagbigay! Ang ganda! 🀩 Matutuwa ang anak namin na mahilig sa fish! 🐠
11/02/2025

Salamat po sa aking pasyenteng taga-Bolinao na nagbigay! Ang ganda! 🀩 Matutuwa ang anak namin na mahilig sa fish! 🐠

09/02/2025

Panoorin nyo itong APPLE CIDER VINEGAR sa Netflix. Based ito sa true story. Tungkol ito sa 2 babaeng β€œwellness influencers” na nagpromote ng alternative therapy for cancers. Yung isa ay may cancer ngunit umasa sa alternative treatments imbes na makinig sa kanyang oncologist.

Yung isa naman ay pineke ang cancer diagnosis nya at nagkunwaring gumaling sa alternative therapy upang pagkakitaan ang pagbebenta ng kanyang mga produkto.

Hindi na bago ang story na ito sa atin dahil hanggang ngayon ay marami pa rin ang nabibiktima ng mga huwad na manggagamot na nagooffer na pagalingin ang mga sakit kahit na wala namang evidence na effective ang mga pamamaraan nila.

In the end, FALSE HOPE lang ang offer nila. Napagastos pa ng pagkalaki-laki ngunit hindi naman gumaling or nawala ang sakit. πŸ₯²

09/12/2024

πŸŽ—οΈ CANCER JOURNEY SHARING
(*Posted with patient's permission)

Unang nagpunta sa akin si Ma'am noong August 2024, namumula ang balat mula dibdib hanggang braso na para bang nalapnos. Matindi rin ang manas sa braso kayo mabigat at hirap ikilos. Na-diagnose siya noon na may ER+/PR+/HER2– breast cancer at nakatapos na ng chemo, operasyon (modified radical mastectomy) at radiotherapy sa ibang institusyon. Kaso, hindi naipagpatuloy kaaagad ang chemo pagkatapos maoperahan at eventually ay kumalat ang cancer cells sa balat.

Nakasubok na din siya ng kung anu-anong herbal medications pero walang tumalab sa balat niya. Muntikan nang mawalan ng pag-asa pero sa kabutihang palad ay nakapaglakas-loob na magpagamot uli sa oncologist, at ngayon ay napakalaki na ng improvement sa kalagayan niya mula nang maipagpatuloy ang chemo at nasimulan ang hormonal therapy. Very happy si Ma'am. ❀️

πŸ“ Mensahe ni Ma'am sa mga kapwa cancer survivors: Huwag matakot magpagamot at magpa-chemo. Kung kaya niya ay kaya n'yo rin. πŸ™

Why we do what we do πŸŽ—οΈ
15/10/2024

Why we do what we do πŸŽ—οΈ

Address

Dagupan City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. AMG Trinidad - Med Onco posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category