24/11/2025
‼️ THIRD-HAND SMOKE: Ang “natitirang lason” na hindi mo nakikita
⚠️ Hindi lang secondhand smoke ang delikado.
May mas tahimik at mas nagtatagal na panganib: third-hand smoke. Based on research, pwede magtagal ang third-hand smoke for months to years!
⚠️ Ito ang mga chemicals na NAIIWAN kahit matagal nang tapos ang paninigarilyo. Kumakapit ito sa:
• Damit
• Buhok at balat
• Sofa at upuan
• Bed sheets at unan
• Carpet at sahig
• Pader
• Salamin at kurtina
• Laruan ng bata
• Car seats at loob ng sasakyan (PINAKAMALALA na lugar ‼️)
⚠️ Kaya kahit wala nang nakikitang usok, nandiyan pa rin ang toxins.
⚠️ Ano ang laman ng third-hand smoke?
• Ni****ne residues
• Tobacco-specific nitrosamines (TSNAs) → carcinogens
• Heavy metals (lead, arsenic, chromium)
• Polycyclic aromatic hydrocarbons (PAHs)
• Volatile organic compounds (VOCs)
‼️ Bakit mas delikado sa 👶🏻 BATA ang third-hand smoke? Nas mataas ang risk na ma-absorb nila ang toxic residues dahil sila ay...
• Gumagapang sa sahig
• Humahawak sa kung saan-saan
• Nagsusubo ng mga daliri at laruan
• Mas mabilis huminga
• Immature pa ang immune system
⚠️ Risks for children:
✔ Mas madalas na asthma attacks
✔ Mas matinding allergies
✔ Mas madalas na respiratory infections
✔ Long-term cough
✔ Learning/attention problems
✔ Possible long-term cancer risk (TSNAs)
🛡️ Let us be responsible and protect the most vulnerable.