01/09/2025
⏱️ 5 min read
Bakit nga ba ang hirap umangat sa buhay?
And when I say umangat, hindi lang ito tungkol sa pera o yaman. Kasama dito ang career, relationships (spouse, bf/gf, friends, family, etc.), pati na rin ang dreams at aspirations natin.
Almost everyone says, para ma-achieve mo ang success, kailangan meron kang:
1. Right Attitude
2. Determination
3. Discipline
4. Precision, and so on.
Sounds familiar, right? Majority ng tao, yan ang paniniwala. Pero REAL TALK. marami na sa atin ang may ganitong attributes. Ang dami na ring seminars, workshops, at conferences na inattendan para ma-build ‘to. Pero bakit hanggang ngayon, ang hirap pa rin magtagumpay?
Alam mo kung ano talaga ang dapat i-master ng isang tao? As in GRAND MASTER level, hindi lang may alam kundi tunay na expert?
You’ll be surprised… kasi sobrang simple, halos no-brainer, pero lagi nating tine-take for granted.
👉 That is COMMUNICATION.
Pansin mo ba, madalas ang issue ay hindi dahil walang alam ang tao… kundi dahil mali ang pagka-communicate? Example: tinanong ka, “Mag-aattend ka ba ng party mamaya?” Tapos ang sagot, “👍” lang. So iniisip mo yes. Pero ang totoo, ni-like lang niya yung tanong, wala pa siyang sagot. Kita mo na? Miscommunication agad.
Ganun kalakas ang power ng communication, kaya nitong baguhin ang perspective, culture, temper, at discipline. Lahat ng ‘yan, apektado kapag walang proper communication.
Eto pa, reality check: karamihan bumibili ng latest at mahal na cellphone. Pero sad to say, 8 out of 10 tao, magrereply lang depende sa mood, temper, or VALUE na nakikita nila. Kahit gaano ka-importante ang message, sasabihin lang na “busy.”
Now imagine this, nasa work or business ka, tapos biglang walang signal at internet for 4 hours.
Boom! Banks, airlines, transportation, lahat maaapektuhan. Kasi lahat yan naka-depende sa communication. Same din sa tao-sa-tao (P2P).
So here’s the bottomline:
👉 Set aside emotions.
👉 Put value and importance to people.
👉 Use money, but love people.
👉 Communicate well and give importance to it.