Barangay Health Station San Macario

Barangay Health Station San Macario Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Health Station San Macario, Health & Wellness Website, San Macario, Delfin Albano.

20/08/2025
“Ano ba itong School Based Immunization?” “Saan kaya ako makakakuha ng mga bakuna?’“Ano ba ang mga sakit na ipe-prevent ...
27/07/2025

“Ano ba itong School Based Immunization?”
“Saan kaya ako makakakuha ng mga bakuna?’
“Ano ba ang mga sakit na ipe-prevent nito?”

Maraming ka bang katanungan at nais mo bang malaman pa ang tungkol sa ating Bakuna Eskwela Campaign?

Narito ang ating mga SBI Frequently Asked Questions (FAQs) na maaring makapagbigay pa ng impormasyon at kaalaman para sa darating na School Based Immunization Campaign “Bakuna Eskwela”.

Ipinagdiwang ng Barangay Nutrition Committee katuwang ang Child Development Center ng Barangay San Macario ang ika-51 Bu...
24/07/2025

Ipinagdiwang ng Barangay Nutrition Committee katuwang ang Child Development Center ng Barangay San Macario ang ika-51 Buwan ng Nutrisyon sa pamamagitan ng isang makabuluhang Culminating Program at Feeding Activity. Ang programa ay aktibong nilahukan ng mga mag-aaral ng CDC, Kindergarten ng San Macario Elementary School at kanilang mga tagapag-alaga, mga buntis na ina, g**o, miyembro ng Barangay Nutrition Committee (BNC), at iba pang kasapi ng komunidad.

Sa temang “Food and Nutrition Security, gawing priority! Sapat na pagkain, karapatan natin!”, layunin ng selebrasyon na palalimin ang kaalaman at kamalayan ng bawat isa hinggil sa kahalagahan ng sapat, ligtas, at masustansyang pagkain bilang isang pangunahing karapatan ng bawat mamamayan.

Ang aktibidad ay naging daan upang mapalakas ang pagtutulungan ng mga sektor ng barangay sa pagsusulong ng malusog na pamumuhay at wastong nutrisyon, lalo na para sa mga batang nasa murang edad, mga ina, at kabuuang pamilyang Pilipino.


July 23, 2025 | Nutrition Month Celebration - Barangay San Macario, Delfin Albano, IsabelaThe Barangay Nutrition Committ...
24/07/2025

July 23, 2025 | Nutrition Month Celebration - Barangay San Macario, Delfin Albano, Isabela

The Barangay Nutrition Committee and Child Development Center of Barangay San Macario celebrated the Nutrition Month with a Culminating Program/Feeding participated by the CDC pupils and their guardians, Pregnant Mothers, Teachers, BNC Members, and their constituents.

With the subtheme, "Food and Nutrition Security, gawing priority! Sapat na pagkain, karapatan natin!"


❕𝗗𝗢𝗛: 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗛𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗠𝗔𝗜𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗪𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧, 𝗚𝗔𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗗 𝗙𝗢𝗢𝗧 𝗔𝗡𝗗 𝗠𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗗𝗜𝗦𝗘𝗔𝗦𝗘❕...
22/07/2025

❕𝗗𝗢𝗛: 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗛𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗠𝗔𝗜𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗪𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧, 𝗚𝗔𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗗 𝗙𝗢𝗢𝗧 𝗔𝗡𝗗 𝗠𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗗𝗜𝗦𝗘𝗔𝗦𝗘❕

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

🖐👣 Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
📌 lagnat
📌 singaw sa bibig
📌 sakit sa lalamunan
📌 mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

❗️Makaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:
✅Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
✅Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
✅Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




✅𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐁𝐎𝐀𝐑𝐃 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆Isinagawa ang pagpupulong ng Barangay Health Governance Body upang pag-usapan ang mga hakb...
15/07/2025

✅𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐁𝐎𝐀𝐑𝐃 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆
Isinagawa ang pagpupulong ng Barangay Health Governance Body upang pag-usapan ang mga hakbang para sa mas malusog na barangay.

✅𝐃𝐄𝐋𝐈𝐕𝐄𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒

💉Routine Immunization for Babies
👩‍🍼Postpartum Visit
📢 Health Education on Diet and Lifestyle Modification, Risk Factors of Non-Communicable Diseases
📝Philhealth Registration/Profiling
❤️ BP and CBG Monitoring
📝 NCD Risk Assessment
💊 Dispensing of NCD Medicines
🤰Prenatal Check-Up
👨‍👩‍👦‍👦 Family Planning Services

12/07/2025

❕DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE❕

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

🖐👣 Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
📌 lagnat
📌 singaw sa bibig
📌 sakit sa lalamunan
📌 mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

❗️Makaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:

✅Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
✅Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
✅Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




✅𝐃𝐄𝐋𝐈𝐕𝐄𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒💉Routine Immunization for Babies📢 Health Education on Diet and Lifestyle Modification,...
11/06/2025

✅𝐃𝐄𝐋𝐈𝐕𝐄𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒

💉Routine Immunization for Babies
📢 Health Education on Diet and Lifestyle Modification, Risk Factors of Non-Communicable Diseases
📝Philhealth Registration/Profiling
❤️ BP and CBG Monitoring
📝 NCD Risk Assessment
💊 Dispensing of NCD Medicines
🤰Prenatal Check-Up
👨‍👩‍👦‍👦 Family Planning Services

Panahon na naman ng tag-ulan ☔ kaya mas mabilis dumami ang lamok 🦟 na may dalang dengue! Ipagpatuloy natin ang ating nas...
06/06/2025

Panahon na naman ng tag-ulan ☔ kaya mas mabilis dumami ang lamok 🦟 na may dalang dengue!

Ipagpatuloy natin ang ating nasimulan na 4Ts tuwing Alas Kwatro 🕓: Taob 🪣, Taktak 💧, Tuyo 🌞, Takip 🛢️ — araw-araw gawin para iwas dengue at ligtas ang pamilya 👨‍👩‍👧‍👦!

Tandaan: kung walang lamok, walang dengue.





A bag of blood can be a lifeline for someone in need.Thank you for answering the call to give. Your selfless donation is...
02/06/2025

A bag of blood can be a lifeline for someone in need.

Thank you for answering the call to give. Your selfless donation is not just an act of kindness, it’s a gift of life.

To all our new and regular blood donors: you are true lifesavers. Your compassion and generosity continue to make a meaningful difference. ❤️🅰️🅱️🆎🅾️

We extend our heartfelt gratitude to the Barangay Officials, led by our active and ever-supportive Barangay Captain, Hon. Onofre A. Casel, for your unwavering commitment and support in making our Blood Donation Activity a success.

Together, we are 🩸

𝐇𝐘𝐏𝐄𝐑𝐓𝐄𝐍𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐄𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍Ngayong buwan ng Mayo, ating ipinagdiriwang ang Hypertension Awareness Month bil...
29/05/2025

𝐇𝐘𝐏𝐄𝐑𝐓𝐄𝐍𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐄𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍

Ngayong buwan ng Mayo, ating ipinagdiriwang ang Hypertension Awareness Month bilang paalala sa kahalagahan ng tamang kaalaman ukol sa altapresyon o mataas na presyon ng dugo. Layunin ng selebrasyong ito na mapalawak ang kamalayan ng bawat isa tungkol sa panganib na dulot ng altapresyon at kung paano ito maiiwasan o makokontrol.

Ang altapresyon ay isang seryosong kondisyon na kadalasang walang malinaw na sintomas, kaya tinagurian itong “silent killer.” Kapag napabayaan, maaari itong humantong sa mas malulubhang karamdaman gaya ng stroke, atake sa puso, at pagkasira ng bato.

Sa pagdiriwang na ito, ating binibigyang-diin ang mga sumusunod na hakbang upang mapanatiling malusog ang ating puso:
✔ Regular na pagpapasuri ng presyon ng dugo
✔ Pagsunod sa masustansya at balanseng pagkain
✔ Araw-araw na ehersisyo o pisikal na aktibidad
✔ Pag-iwas sa paninigarilyo, labis na pag-inom ng alak, at stress
✔ Pagsunod sa payo ng mga doktor at pag-inom ng gamot kung kinakailangan

Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa masigasig na suporta ng ating mga Barangay Officials, sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Onofre A. Casel, sa patuloy na pagtutok at pakikiisa sa mga programang pangkalusugan sa ating komunidad.

Sama-sama nating labanan ang “silent killer”!
Maging maalam. Magpakonsulta. Mamuhay nang malusog.

Address

San Macario
Delfin Albano
3326

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Health Station San Macario posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram