RHU Esperanza TB DOTS Center

RHU Esperanza TB DOTS Center A public health facility engaged in implementing Programmatic Management for Tuberculosis

Ikaw ba ay exposed sa patienting positibo ng TB? Wag mag alala, pwede ka ng uminom ng TPT o TB Preventive Therapy para h...
22/11/2024

Ikaw ba ay exposed sa patienting positibo ng TB? Wag mag alala, pwede ka ng uminom ng TPT o TB Preventive Therapy para hindi mahawa ng TB o madevelop sa Active TB. Available po sa RHU Esperanza TB DOTS Center ang TPT. Pumunta lamang Monday- Friday 8:00am-5:00pm.

Close contacts may receive preventive treatment (like TPT) to avoid developing active TB.It is important to break transmission by tracing contacts to stop the spread in high-risk areas like homes, workplaces, and schools.
# fansSANAC Civil Society ForumTB HIV CareStop TB PartnershipGa-Rankuwa YMCACentre for Community DevelopmentTB PROOFItireleng community skills and project organisationShow Me Your Number (SMYN)TB Accountability ConsortiumNational Lotteries CommissionSedibeng Sa Bophelo Community ProjectMy PrEPRotanganedza Community CareKatekani Community Project WinterveldtEmpowerCare Youths Network Solution EYNSCenter for Community DevelopmentAnova Health InstituteHigher Health SASoul City InstituteFaith & Hope FoundationNew Revelation Teen's Club - New Revelation Children's HopeTuberculosis Awareness UP

22/11/2024

FREE CHEST XRAY
Available parin po.
Pumunta lamang sa RHU Esperanza TB DOTS Center Mon-Friday 8am-12nn para kumuha Xray Voucher!
📣🫁🦠🩻🩺

TBInfoShare: LIBRENG MOBILE CHEST XRAY SA BAYAN NG ESPERANZA 🗣️🦠🫁Handog ni Mayor Junjun Ploteña in partnership with MARA...
08/04/2024

TBInfoShare: LIBRENG MOBILE CHEST XRAY SA BAYAN NG ESPERANZA 🗣️🦠🫁

Handog ni Mayor Junjun Ploteña in partnership with MARADECA and PBSP ang Apat (4) na araw na Libreng Chest Xray sa darating na May 1,2,3 & 6, 2024 sa Bayan ng Esperanza. 😍🥰

BARANGAY MOBILE CHEST XRAY SCHEDULE:

May 1, 2024
AM (8-11AM)- Barangay Guiamalia, Paitan & New Panay (Venue: Guiamalia Gym)

PM (1-4PM)- Barangay Daladap & Salabaca (Venue: Daladap Gym)

May 2, 2024
AM (8-11AM)- Barangay Dukay, Ala & Kangkong (Venue: Dukay Gym)

PM (1-4PM)- Barangay Magsaysay & Laguinding (Venue:Magsaysay Gym)

May 3, 2024
AM (8-11AM)- Barangay Poblacion & Villamor (Venue: Poblacion Gym)

PM (1-4PM)- Barangay Sagasa & Saliao (Venue: Sagasa Gym)

May 6, 2024
AM (8-11AM)- Barangay Pamantingan & Numo (Venue: Pamantingan Gym)

PM (1-4PM): Barangay Ilian & Margues (Venue: Ilian Gym)

Ang mga Target Clients ay ang sumusunod:

1.SYMPTOMATIC PATIENTS (2 weeks cough, unexplained fever, unexplained weight loss, night sweats)
2.Direct Contacts with TB PATIENTS
3. Those ever treated with TB (i.e. with history of TB TREATMENT)
4. People Living with HIV Patients
5. DIABLETIC patients
6. SMOKERS/ALCOHOLICS
7. HEALTH WORKERS
8. SENIOR CITIZENS
9. 4PS & INDIGENTS for GIDA
10. Those with other immuno-suppressive conditions
11.Tricycle drivers, Construction workers, Labors, Farmers. Etc.

Pumunta lamang sa nasabing petsa at venue upang makaavail ang libreng Chest Xray.

TBInfoShare: PAANO MAGAGAMIT ANG BENEPISYONG HANDOG NG PHILHEALTH PARA SA MGA TB PATIENTS. 🦠🫁
27/02/2024

TBInfoShare: PAANO MAGAGAMIT ANG BENEPISYONG HANDOG NG PHILHEALTH PARA SA MGA TB PATIENTS. 🦠🫁

TBInfoShare: Ano ang mga side effects ng gamutan sa TB?Posible na ikaw ay makaranas ng mga side effects gaya ng:1.pangan...
14/02/2024

TBInfoShare: Ano ang mga side effects ng gamutan sa TB?

Posible na ikaw ay makaranas ng mga side effects gaya ng:
1.pangangati ng balat,
2.kawalan ng gana kumain,
3.pamamanhid ng paa, at iba pa.

Ito ay panandalian lamang at di kailangan ikabahala. Importanteng ipaalam sa iyong health service provider ang iyong mga nararamdaman upang malunasan ito kaagad.

TBInfoShare: PAANO BA NAGKAKAROON NG TB ANG ISANG TAO?Ang TB ay naipapasa kung ang isang tao ay makalanghap ng mikrobyo ...
13/02/2024

TBInfoShare: PAANO BA NAGKAKAROON NG TB ANG ISANG TAO?

Ang TB ay naipapasa kung ang isang tao ay makalanghap ng mikrobyo ng TB na nasa hangin galing sa ubo o bahing ng taong may TB.

Ang TB-DOTS o Tutok Gamutan ang pinakamabisang paraan para magamot ang TB. Kailangan lamang ng di bababa sa 6 buwang tuloy-tuloy na gamutan. Iinumin ang mga gamot para sa TB araw-araw sa gabay ng health service provider. Importanteng hindi mahinto ang gamutan upang hindi umabot sa pagiging drug resistant ang TB (DR-TB), dahil magiging mas matagal ang gamutan (hanggang 24 na buwan) o maging dahilan ng iyong pagkamatay.

TBInfoShare: PAANO NAHAHAWAAN NG TB?Kung hindi pa nagagamot, kayang makahawa ng 10 iba lang mga tao ang isang taong my T...
11/02/2024

TBInfoShare: PAANO NAHAHAWAAN NG TB?

Kung hindi pa nagagamot, kayang makahawa ng 10 iba lang mga tao ang isang taong my TB.

Kapag umubo, bumahing, dumura o nagsalita ang isang taong may aktibong sakit na TB, sumasama sa hangin ang bakteria at pwedeng malanghap ng ibang tao sa bahay o trabaho.

TANDAAN!
Hindi naipapasa ang TB sa:
📌Pakikipagkamay
📌Paggamit ng kubyertos
📌Pakikipaghalikan

Hindi naipapamana ang TB sa mga anak! 🫁🩻🦠

TBInfoShare: PAANO GINAGAMOT ANG TB?Ang TB ay isang sakit na dulot ng mikrobyong Mycobacterium tuberculosis na madalas m...
11/02/2024

TBInfoShare: PAANO GINAGAMOT ANG TB?

Ang TB ay isang sakit na dulot ng mikrobyong Mycobacterium tuberculosis na madalas makakapekto sa baga.

Paano ginagamot ang TB?
>Ang TB-DOTS o tutok gamutan ang pinakamabisang paraan para magamot ang TB
>6 na buwang tuloy-tuloy na gamutan
>Inumin ang mga gamot para sa TB araw-araw sa gabay ng Health Service Provider
>Importanteng hindi mahinto ang gamutan upang hindi umabot sa pagiging drug resistant ang TB (MDR-TB)

Pumunta sa ating RHU Esperanza TB DOTS Center upang mabigyan ng tama at saktong gamutan kontra TB. 🫁🦠❤️🩻

TBInfoShare: Ano ang TUBERCULOSIS O TB at Sintomas nito?Ang pulmonary tuberculosis ay isang uri ng tuberculosis na sanhi...
10/02/2024

TBInfoShare: Ano ang TUBERCULOSIS O TB at Sintomas nito?

Ang pulmonary tuberculosis ay isang uri ng tuberculosis na sanhi ng isang bacteria na tinatawag na Mycobacterium tuberculosis. Ito ay nakakahawa at madaling ilipat mula sa isang tao. Maaaring maganap ang impeksyon kapag umuubo, bumahing, tumawa o kumakanta ang isang taong may impeksyon.

Ano Ang Mga Senyales At Sintomas Ng TB?

Karaniwan, ang pangunahing yugto ng tuberculosis ay walang anumang nakikitang sintomas.

Kapag nangyari ang mga sintomas ng TB, karaniwang kasama nito ang sumusunod na palatandaan:

📌Hirap sa paghinga
📌Ubo na may uhog
📌Pananakit ng dibdib
📌Pinagpapawisan sa gabi
📌Umuubo ng dugo
📌Bahagyang malubhang pagbaba ng timbang
📌Humihingal kapag humihinga
📌Lagnat at pagod

Kung ikaw ay merong nararamdamang simtomas ng TB huwag magdalawang isip na lumapit sa ating RHU Esperanza TB DOTS Center upang mabigyan ng tamang aksyon at gamutan. 🫁🦠

Dahil kumpirmadong may TB ka, Protektahan ang pamilya gamit ang TANGGAL BACTERIA POWDER ng TB Preventive Treatment. Natu...
09/02/2024

Dahil kumpirmadong may TB ka, Protektahan ang pamilya gamit ang TANGGAL BACTERIA POWDER ng TB Preventive Treatment.

Natutulog ang TB BACTERIA sa mga baga ng isang taong nahawa mula sa isang may sakit na TB. Kapag hindi naagapan, magigising ang TB BACTERIA at maghahasik ng sakit. Para iwas sa TB sila, mag TANGGAL BACTERIA POWDER ngayon na. ❤️🫁🦠

Ang impormasyong ito ay hatid ng ating RHU Esperanza TB DOTS Center sa pangunguna ng ating MHO Doctor Gilson Lapiñas, na taos pusong sinusuportahan ng ating aktibong Mayor Hon. Charles Federic R. Ploteña. ❤️

Ang TB Preventive Treatment ay iniinom ng tatlo (3) hanggang anim (6) na buwan depende sa TPT regimen na ibinigay sa iyo...
09/02/2024

Ang TB Preventive Treatment ay iniinom ng tatlo (3) hanggang anim (6) na buwan depende sa TPT regimen na ibinigay sa iyo ng iyong doktor. Siguraduhin lamang na matatapos ang gamutan batay sa schedule na ibinigay niya sa’yo at kahit normal ang iyong pakiramdam.

Kung may katanungan tungkol sa TPT, punta lamang sa tbdots center ng ating munisipyo. Iligtas natin ang ating pamilya mula sa sakit na TB. ❤️

08/02/2024

Every year on March 24, we celebrate World TB Day to raise public awareness about the devastating health, social, and economic consequences of Tuberculosis.

08/02/2024

In this article, we discuss the diagnosis and treatment of Tuberculosis (TB) in children. Discover more about pediatric tuberculosis and how it is treated

08/02/2024

Tuberculosis affects children also and is known as Primary Complex or Childhood Tuberculosis infection. Read about the causes, symptoms, treatment, and prevention of tuberculosis in babies and children.

Kailangan pa rin bang uminom ng TPT kung ang isang Person living with HIV (PLHIV) ay umiinom na ng anti-retroviral drugs...
08/02/2024

Kailangan pa rin bang uminom ng TPT kung ang isang Person living with HIV (PLHIV) ay umiinom na ng anti-retroviral drugs?

Oo. Batay sa guidelines ng World Health Organization (WHO), lahat ng taong na-diagnose ng HIV at walang aktibong sakit na TB ay dapat sumailalim sa TPT kahit na sila ay nag-umpisa na ng kanilang HIV treatment. Ito ay kinakailangan upang magsilbing proteksyon sa TB lalo na’t mas mabilis humina ang kanilang resistensiya kumpara sa taong walang HIV.

Kung may katanungan tungkol sa TPT, punta lamang sa pinakamalapit na health center o TB clinic sa inyong lugar.

Nandito na si Super 3HR!Siya ang bagong superhero na makakasama ng buong pamilya!Ang 3HR o ang 3 months of daily isoniaz...
08/02/2024

Nandito na si Super 3HR!
Siya ang bagong superhero na makakasama ng buong pamilya!

Ang 3HR o ang 3 months of daily isoniazid and rifampicin ay isang uri ng TB Preventive Treatment (TPT) upang mapuksa ang natutulog na TB bacteria sa iyong katawan.

Para protektado ang pamilya laban sa TB, punta lamang sa pinakamalapit na health center o TB clinic at magtanong tungkol sa TPT!

Ang karaniwang ginagamit na TB Preventive Treatment sa Pilipinas ay ang araw-araw na isoniazid kung saan dapat itong inu...
08/02/2024

Ang karaniwang ginagamit na TB Preventive Treatment sa Pilipinas ay ang araw-araw na isoniazid kung saan dapat itong inumin sa loob ng anim (6) na buwan depende na rin sa assessment ng iyong doktor. Ngayong 2021, inaasahan ang pagdating ng 3HR o 3-month TPT regimen.

Kung may katanungan tungkol sa TPT, punta lamang sa pinakamalapit na health center o TB clinic sa inyong lugar.

Address

Esperanza

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU Esperanza TB DOTS Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to RHU Esperanza TB DOTS Center:

Share