Doc Dang's Pediatric Clinic

Doc Dang's Pediatric Clinic “Wellness for every Filipino child.”

🍼 CRADLE CAP 101: What Every Mom Should Know“Doc, bakit parang may balakubak si baby sa ulo?”This might be cradle cap — ...
19/08/2025

🍼 CRADLE CAP 101: What Every Mom Should Know

“Doc, bakit parang may balakubak si baby sa ulo?”
This might be cradle cap — and don’t worry, it’s super common and usually harmless.

=====

❓ What is Cradle Cap?

Cradle cap (a.k.a. infantile seborrheic dermatitis) is a skin condition that causes scaly, greasy patches on your baby’s scalp. Parang balakubak, minsan makapal, dilaw-dilaw, or flaky.

✅ Not contagious
✅ Not itchy (most of the time)
✅ Not because you’re doing something wrong

=====

📅 Kailan ito lumalabas?

Usually appears in the first 2–6 weeks of life
Often clears on its own by 6 to 12 months

=====

👀 Common areas:
• Ulo (scalp) — pinaka-common
• Sa may kilay, tenga, leeg, minsan singit

=====

💡 Why does it happen?
• Overactive oil glands (stimulated by mom’s hormones during pregnancy)
• Traps dead skin cells, forming thick, waxy flakes

=====

🧼 How to manage it at home:

1. Maghugas ng ulo regularly — mild lang!
Use a gentle baby shampoo 2–3x a week.
Avoid scrubbing too hard.

2. Maglagay ng oil bago maligo
Coconut oil, baby oil, or mineral oil
➡ Gently massage and leave for 15–20 minutes to soften the scales

3. Use a soft baby brush or fine-tooth comb
After oil and bath, you can gently brush off the flakes.

4. Avoid picking or peeling!
Baka magdulot ng sugat or infection.

=====

🚩 When to see your Pedia:
• May redness, swelling, or may amoy na hindi normal
• May fluid o dugo
• Lumalawak o kumakalat
• Mukhang uncomfortable na si baby

=====

❤️ Reminder:

Cradle cap is not your fault.
Hindi ito dahil madumi si baby or kulang ka sa pag-aalaga. Most babies go through this stage. With time, gentle care, and some patience, mawawala din ‘yan.

=====

This post is for educational purposes only. If may concerns ka, always check with your pediatrician!

❤️ Doc Dang


📌 MILK FEEDING GUIDE SA MGA SANGGOL(Guide lang ito, hindi lahat ng baby pare-pareho ang kailangan.)👶 0–6 months✔ Dapat g...
19/08/2025

📌 MILK FEEDING GUIDE SA MGA SANGGOL
(Guide lang ito, hindi lahat ng baby pare-pareho ang kailangan.)

👶 0–6 months
✔ Dapat gatas lang (breastmilk or formula)
✔ Wala pang tubig, juice, o solids

======

📊 ILANG OUNCE / ML DAPAT ANG MILK NG BABY?

*See table below

Babies generally need 150–200 ml/kg/day of milk.

=====

💡 Paano malalaman kung sapat ang milk?
✅ Gising, alert, and content si baby after feeding
✅ Dumedede 8 or more times per day
✅ Tumataas ang timbang
✅ Madalas umihi (6 or more wet diapers/day by day 5)
✅ Regular p**p (especially in breastfed babies)

=====

❗ Red flags (Kailan magpakonsulta):
🚩 Masyadong inaantok at ayaw dumede
🚩 Di dumadami ang ihi o dumi
🚩 Hindi tumataas ang timbang
🚩 Palaging iyak nang iyak kahit kakadede lang



📌 Reminder for Moms:
Every baby is different. These are guides, not strict rules.
If in doubt, ask your pediatrician.

📎 This post is not intended to diagnose or replace medical advice. Kapag may duda, magpatingin kay Doc.

❤️ Doc Dang


08/08/2025

No Clinic on Monday
August 11, 2025

Thank you

🥄 “Doc, paano ko po sisimulan ang solids kay baby?”Here’s your Mommy Guide sa Complementary Feeding — when breastmilk is...
04/08/2025

🥄 “Doc, paano ko po sisimulan ang solids kay baby?”

Here’s your Mommy Guide sa Complementary Feeding — when breastmilk is still the main food but baby is now ready to explore new flavors and textures! 👶🍽️

=====

✅ KAILAN SISIMULAN?

6 months old — kapag kaya nang:
• Umupo with support
• May head control
• Wala nang tongue thrust reflex
Signs that baby is ready na for solids!

=====

🥣 PAANO MAGPAKAIN?

Edad ng Baby Uri ng Pagkain Frequency
6 months Start with pureed (lugaw, mashed veggies/fruits) 2–3x/day
8 months Add finger foods (soft, meltable) + 1–2 nutritious snacks
10 months Try lumpy/chopped textures 3–4x/day
12 months Kaya na ang family table food (cut appropriately) Regular meals & snacks

=====

🍽️ PAALALA SA PAGPAKAIN:
• Introduce one food at a time for 3 days — para ma-monitor allergies.
• Start with 1–2 teaspoons/day. Dahan-dahan lang. 💕
• Pwede kahit anong order — cereals, fruits or gulay.
• Huwag muna lagyan ng asin bago mag-1 year.
• Avoid sweetened drinks or junk food. 🧃🚫

=====

🧠 NUTRI TIP:

Kung plant-based or konti ang meat intake, consider:
✔️ Iron
✔️ Zinc
✔️ Calcium
✔️ Vitamin B12

Ask your pediatrician for advice! 🩺

=====

💛 RESPONSIVE FEEDING IS KEY!

👩‍🍼 Feed directly, with love.
💬 Talk, smile, engage.
⏳ Feed slowly and patiently.
🙅‍♀️ NEVER force-feed.
🥰 Make feeding a happy bonding time, not a battleground!

=====

👶 Milk is still essential!

Breastmilk o formula pa rin ang main source of nutrition hanggang 1 year. Complementary feeding means dagdag na lang ang solids.

=====

🍼💕 Kaya mo ‘to, Mommy. Enjoy the mess, the giggles, and every spoonful!

❤️Doc Dang


🧴 ATOPIC DERMATITIS (ECZEMA): Bakit makati ang balat ni baby?👶💬 Paulit-ulit na pantal? Lagi bang nagkakamot si baby lalo...
24/07/2025

🧴 ATOPIC DERMATITIS (ECZEMA): Bakit makati ang balat ni baby?

👶💬 Paulit-ulit na pantal? Lagi bang nagkakamot si baby lalo na sa gabi?
This post is for you, mama. Let’s understand eczema and how you can help your little one feel better.

Kung paulit-ulit ang rashes, parang galis, sobrang kati lalo na sa gabi…
Mama, baka eczema na ito, a common allergic skin condition sa mga bata.

=====

👶 Paano lumalabas ang eczema habang lumalaki si baby?

Edad |San lumalabas? |Hitsura ng balat
👶 0–2 yrs
Pisngi, anit, katawan, braso’t hita
Namumula, parang galis, may tubig minsan

🧒 2–12 yrs
Leeg, siko, tuhod (likod), kamay
Makapal, dry, gasgas sa kakakamot

🧑 12+ yrs
Mukha, leeg, palad, paligid ng mata
Tuyo, nangingitim, minsan nagbibitak at makati

🔁 Tandaan: Makati muna bago lumabas ang pantal. Hindi siya simpleng rashes lang, ito ay galing sa loob (immune system) na apektado ng environment.

=====

🧨 Common Triggers:
• Init, pawis
• Alikabok, pollen
• Fabric softener, matatapang na sabon
• Stress o puyat
• Allergy sa pagkain (minsan)

=====

💖 Gaano Kadalas?

Pabalik-balik. May flare at calm periods.
Hindi lahat ng araw magaspang pero dapat araw-araw ang care.

=====

👩‍⚕️ Mommy Tips: Araw-araw na pag-aalaga ng balat

🌿 Moisturize 2–3x/day – kahit walang flare
🧼 Mild soap lang – walang pabango, walang kulay
🛁 Ligo once a day, 5–10 mins max – lukewarm water
👕 Cotton clothes only – iwas sa mainit at makati
✂️ Trim nails – para iwas sugat sa kakakamot
💊 Use doctor-prescribed creams during flare-ups

📌 Moisturize agad after ligo, habang basa pa konti ang balat, para ma-seal ang moisture.

=====

🚩 Kailan dapat magpatingin?

☑ Kung may nana, sugat o crusts
☑ Kung hindi na nakakatulog si baby sa kati
☑ Kung palala nang palala kahit may moisturizer
☑ Kung may kasabay na hika o allergic rhinitis

=====

🫶 Mommy, tandaan mo ito:

“Hindi mo kasalanan. Hindi rin ‘to dahil sa dumi. With love, routine, and right care — gagaan ang araw ni baby.”

⚠️ DISCLAIMER:

This post is for educational purposes only. It’s not meant to diagnose or replace an actual consult.

If your baby’s rashes are:
• Spreading fast
• May nana o crusts
• Causing poor sleep or feeding
• Not responding to your usual remedies…

👉 Please bring your child to a pediatrician.
Mas okay nang maagapan kaysa mapabayaan.

❤️Doc Dang

Gabay sa Leptospirosis 🌊🐀
21/07/2025

Gabay sa Leptospirosis 🌊🐀

Maagang paggamot ay nakababawas sa komplikasyon at maaaring makaligtas ng buhay.


🚽 Constipation sa BataMinsan Dok, 2 days na, wala pa ring p**p si baby. Dapat na po ba akong mag-alala? 😟💡 Constipation ...
21/07/2025

🚽 Constipation sa Bata

Minsan Dok, 2 days na, wala pa ring p**p si baby. Dapat na po ba akong mag-alala? 😟

💡 Constipation means hirap dumumi — either dahil matigas ang dumi, bihira ang pagdumi, o nasasaktan si baby tuwing dumudumi. Hindi lang ito “ilang araw na walang p**p” si baby.

=====

🔍 Sintomas ng Constipation:

✅ Less than 3 p**ps per week
✅ Matigas, parang bilog-bilog na dumi
✅ May dugo sa dumi (dahil sa a**l fissure)
✅ Nagtitiis o umiiyak tuwing dumudumi
✅ Kawalan ng gana, kabag, o parang laging busog
✅ Potty-trained child na biglang naglalagkit ang underwear (soiling)

=====

📅 Gaano kadalas dapat dumudumi ang bata?

Edad ng Bata at Normal Bowel Pattern
0–3 mos (breastfed)
4x/day to once every 7 days

0–3 mos (formula-fed)
At least once a day

6–12 months
1–2x/day

1–4 years
Variable, but should be ≥3x/week

>4 years
1x/day is common

⚠️ Breastfed newborns can go many days without p**ping — as long as they’re feeding well, happy, and soft ang dumi, it’s OK!

=====

🧠 Saan galing ang Constipation sa Babies?

👶 Newborns:
• Formula milk na hindi hiyang
• Dehydration (kulang sa milk)
• Congenital conditions (rare, like Hirschsprung’s disease)
• Hypothyroidism (screened sa newborn test)

🧠 Common Causes ng Constipation sa Kids:

🥛 Kulang sa water o fiber
🍟 Too much processed foods, dairy, or junk food
🏃‍♀️ Lack of physical activity
🚽 Pinipigil ang pagdumi (takot o nahihiya)
😟 Stress or change in routine (e.g. start ng school)
💊 Certain meds (e.g. iron, antihistamines)

=====

👩‍⚕️ Kailan dapat magpatingin kay Dok?

❗ Walang dumi > 4 days
❗️ Matigas o lumalaki ang tyan at irritable
❗ Laging may dugo sa dumi
❗ Laging masakit ang tiyan/nasasaktan kapag dumudumi
❗ Lumalala kahit may home remedies
❗ May weight loss o poor growth
❗ May history ng hypothyroidism, hirschsprung, o ibang medical conditions

=====

💡 Pedia-Approved Tips:

🍼 For newborns and babies 6 months
✅Give fiber-rich solids: prunes, papaya, avocado
✅Add water between meals
✅Let baby move/play to stimulate bowels
✅ Tummy massage, leg bicycle movements

🚽 For toddlers/kids
✅Toilet time after meals
✅More gulay, fruits, and tubig
✅Encourage, don’t pressure

=====

👩🏻‍⚕️Constipation is common — but it should never be ignored kung may pain, blood, or extreme discomfort.
Let’s normalize p**p talk, para hindi matrauma si baby, at hindi rin ma-stress si mommy. 💞

🌟 Soft, regular p**p = healthy gut = happy baby = happy mommy! 🌟

❤️Doc Dang


July is Nutrition Month 🥗
17/07/2025

July is Nutrition Month 🥗

Hepa B adult—limited stocks. Book your slot now!
12/07/2025

Hepa B adult—limited stocks. Book your slot now!

11/07/2025

Makakapag clinic po ako bukas sa may Gapan Philhealth (Saturday 10:30-12nn). Please message beforehand for appointments/vaccination-
0949 522 4397.

🧒🏼🌸 TIGDAS HANGIN o ROSEOLA: Dapat ba itong ikabahala ni Mommy?Minsan parang magic trick ang sakit na ito.May lagnat si ...
11/07/2025

🧒🏼🌸 TIGDAS HANGIN o ROSEOLA: Dapat ba itong ikabahala ni Mommy?

Minsan parang magic trick ang sakit na ito.

May lagnat si baby ng 3 araw—tas biglang nawala. Akala mo okay na…
Pero boom! Lumabas ang rashes! 😳

Ano ba talaga ang Roseola?

📌 Ang Roseola Infantum (a.k.a. Tigdas Hangin) ay viral infection na kadalasang tumatama sa mga batang 6 months to 2 years old.

=====

📋 Mga Sintomas ng Roseola:

🔹 Biglang mataas na lagnat – minsan umaabot ng 39–40°C
🔹 Matamlay, masungit si baby, minsan may mild na ubo o sipon
🔹 Pagbaba ng lagnat, tsaka lumalabas ang rashes – pinkish, kalat sa trunk (dibdib, tiyan, likod), tapos kumakalat sa leeg, braso, mukha

📍 Walang pangangati o hapdi sa rashes, at nawawala ito ng kusa in 1–3 days.

=====

🦠 San ba ito nakukuha?

✔️ Galing sa human herpesvirus type 6 o 7 (HHV-6/7)
✔️ Airborne o droplets – nalalanghap sa ubo o laway ng may sakit
✔️ Mabilis makahawa habang may lagnat, kahit wala pang rashes

=====

💊 Nagagamot ba ito?

❌ Walang specific na gamot—supportive care lang.
✅ Paracetamol para sa lagnat
✅ Painom ng fluids
✅ Bantayan ang behavior at hydration ni baby

Usually mild at kusa gumagaling.
Pero pwedeng mag-cause ng febrile seizures, kaya bantay talaga sa unang 3 araw ng lagnat.

=====

❗Pero Minsan… maaring magkaroon g kasabay na Bacterial Infection

⚠️ Habang viral si Roseola, minsan may sabay na bacterial infection gaya ng:

🔸 Tonsillitis o sore throat
🔸 Urinary tract infection (UTI)
🔸 Ear infection (otitis media)

Kapag may ganito, kailangan ng antibiotics—kaya pacheck sa Pedia kung:

☑️ Tuloy ang lagnat kahit may rashes na
☑️ Masakit ang tenga o umiiyak pag hinawakan
☑️ May foul-smelling o madilaw na ihi
☑️ Ayaw kumain, mas matamlay kaysa dati

=====

⚠️ Kailan dapat magpatingin agad?

🚨 Kapag may alinman sa mga ito:

☑️ Lagnat higit 5 araw
☑️ Seizure
☑️ Di umiinom, tulog nang tulog
☑️ Rashes na may pasa, namamaga ang muka o paa
☑️ Mukhang lumalala o parang hindi ito simpleng tigdas hangin
☑️ May signs ng possible bacterial infection gaya ng nasa taas

=====

👩‍⚕️ Reminder:

✅ Tigdas hangin ay common at mild
❌ Hindi ito kapareho ng measles (totoong tigdas), na mas seryoso
🔍 At minsan, may kasamang infection na kelangang gamutin

Kapag may duda, check up agad.
Mas mabuti nang sigurista si Mommy kaysa magsisi. 🤱🏼💖

❤️Doc Dang


G6PD Deficiency: Anong Meron Dito, Doc?G6PD Deficiency is a genetic condition kung saan kulang ang katawan ng isang impo...
03/07/2025

G6PD Deficiency: Anong Meron Dito, Doc?

G6PD Deficiency is a genetic condition kung saan kulang ang katawan ng isang importanteng enzyme (Glucose-6-Phosphate Dehydrogenase).
👉 Kapag na-expose sa triggers, puwedeng masira bigla ang red blood cells — tawag dito ay hemolysis, which can lead to anemia, paninilaw, and dark-colored urine.



👶 Paano Nakukuha?

📌 Namamana ito — galing sa genes. Mas madalas sa mga baby boys dahil nasa X chromosome ang mutation.
📌 Hindi ito contagious — hindi nakakahawa.



🩸 Paano Nalalaman?
1. ✅ Newborn Screening (NBS) – ginagawa 24–72 hours after birth.
2. 🔍 Confirmatory Test – kapag positive sa screening, sinusundan ng test to measure G6PD enzyme levels.



🚫 Mga Bawal sa May G6PD Deficiency

⚠️ Iwas sa mga sumusunod na puwedeng mag-trigger ng hemolysis:

🍽️ Pagkain:
• Fava beans (broad beans)
• Patani, utaw, munggo
• Tonic water (may quinine)
• Soya food (tokwa, toyo, taho)
• Ampalaya

💊 Gamot:
• Sulfa drugs (ex. cotrimoxazole)
• Methylene blue
• Certain anti-malarials

🛑 Must Avoid List:
• Efficascent oil / strong-smelling liniments
• Mothballs (may naphthalene) – lalo na sa damit o kwarto
• Kampō or “herbal” rubs na hindi approved ng pedia
• Inhalers with menthol or strong essential oils without doctor’s approval

💡 Tip: Laging itanong muna sa pedia o pharmacist bago magbigay ng gamot o topical oils.



🩺 Signs to Watch Out For (Emergency na ‘to, Mommy!):
• Biglaang paninilaw ng mata o balat
• Dark-colored urine (parang kulay tsaang mapula)
• Maputla, matamlay, mabilis mapagod
• Hingal o mabilis ang tibok ng puso

Kapag may ganito — dalhin agad sa ER at inform si doc!



🛡️ Tips para sa Healthy Life ni Baby:

✅ Sabihan si teacher, guardian, o ibang doktor tungkol sa G6PD status
✅ Iwas sa self-medication kahit simpleng sipon
✅ Mag-ingat sa binibiling gamot — basahin ang label
✅ Keep NBS results and medical ID handy
✅ Always inform your healthcare provider before vaccinations or surgeries



🤱 Final Takeaway for Parents

G6PD deficiency is manageable. Maraming batang may ganito ang lumalaki nang malusog basta alam ang bawal, iwas-trigger, at alerto si mommy.

Hindi mo kailangang matakot — kailangan lang informed ka. 💪

Please check the list from DOH ✅

❤️Doc Dang


Address

Tinio Street
Gapan
3105

Telephone

+639087151241

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Dang's Pediatric Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram