16/07/2023
10 paraan para mapangalagaan ang ngipin
1. Magsepilyo kaagad ng ngipin pagkatapos kumain/uminom ng pagkaing nakaka-mantsa ng ngipin. Halimbawa, red wine, tea o kaya ay matapos manigarilyo. Kung wala kang naka-ready na sepilyo, huwag kumain ng nakakamantsang pagkain.
2. Kung may dapat kainin every after meal, iyon ay ang mansanas dahil may taglay itong teeth-cleaning action. Itinuturing na nature’s toothbrush ang mansanas.
3. Patagalin hanggang 2 minuto ang pagsesepilyo upang makatiyak na natanggal ang mga tinga na nagiging sanhi ng pagkasira ng ngipin. Natuklasan ng mga British researchers na ang pag-hum ng nursery rhyme na “Row, row, row your boat” ay tumatagal ng 2 minuto.
Kaya habang nagsesepilyo, mag-hum ng “row, row, row your boat”.
4. Hawakan mo na parang pencil ang sepilyo para hindi maging marahas ang pagsesepilyo mo sa iyong ngipin.
5. Uminom ng tsaa araw-araw. May flavonoids at fluoride ito na humahadlang sa mga bacteria na sumisira sa ngipin.
6. Gamitin ang alcohol-free mouthwash. Nakakatuyo ng bibig ang alcohol. Gustung-gusto ng bacteria na tumigil sa tuyong bibig.
7. Sepilyuhin din ang dila.
8. Sepilyuhin ang ngipin gamit ang baking soda once a week. Gamitin itong panghalili sa toothpaste.
9. Uminom ng tubig kada isang oras. Nakakatulong ito para manatiling malinis at presko ang iyong bibig.
10. Ngumuya lagi ng cinnamon –flavored chewing gum. May cinnamic aldehyde ito na humahadlang sa bacteria na sumisira ng ngipin.