14/12/2018
"ANO ANG MAPAPALA SA GUARDIANS?"
"Madalas ang tanong ng mga kritiko ng Guardians... "Ano ba ang naitutulong ng Guardians?". In reality isang malaking burden ang Guardians sa buhay ng isang member..sa dami ng extra curricular activities magrerelax ka na lang maglalaan ka pa sa activities ng Guardians. Wala kang dapat expectation sa Guardians...
dahil WALANG PINAPANGAKO SAYO ang Guardians.
Hindi pinapangako ng Guardians na sa amin laging may happenings...Hindi ganun sa Guardians..Pero sa amin yung oras mo magiging mas makahulugan.
Hindi pinapangako ng Guardians na sa amin aasenso ka...Wala sa Guardians yan, nasa interes at pagsisikap mo pa rin yan..
Hindi pinapangako ng Guardians na sa amin magiging mabait ka...Wala sa Guardians yan choice mo yan..Ang Guardians ay gabay mo lang.
Hindi pinapangako ng Guardians na sa amin magiging makulay ang buhay mo o lalo pang kukulay kung dati ng makulay..Pero sa Guardians maiintindihan mo ang salitang "CADS."
C- Commitnent
A- Acceptance
D- Dedication
S- Sincerity
Lahat ng pangarap mo at gusto mong marating sa buhay..Wala sa Guardians, kaya wag kang magexpect na ibibigay sayo ng Guardians yan...tandaan mo bilang isang member, nasa likod mo lang lagi ang Guardians umaalalay at bubulong kung tama o mali ang tinatahak mo na daan..Ikaw ang nasa unahan ikaw pa rin ang susundan ng Guardians...
Tama man at nagkamali ka ng daan hindi ka iiwan ng Guardians...
Pag natalisod ka at nadapa sa buhay mo...Itatayo ka at tutulungan ng Guardians..
"Mag sabi ka lang bro...andito lang ang Guardians"
If you are the worst, the Guardians will make you better...
And if you are better, the Guardians will make you the best...
and if you are the best enough...the Guardians will make you the greatest...
Pero lahat ng yan...achievements mo pa rin yan...Sarili mo pa rin ang aabot ng lahat ng yan. Huhubugin ka lang ng Guardians..Dahil yun ang gusto ng Guardians dahil alam ng Guardians...na balang araw na pag andun ka na sa tuktok ng iyong tagumpay magpapakilala ka "I am a proud member of Guardians..."Kahit sa ganun kasimpleng salita napaka laking pasalamat na sayo ng Guardians.
Kaya kung magtatanong ka kung "ano ba talaga ang maitutulong sayo ng Guardians?" Kapatid bago mo itanong yan....
"Ikaw ano maitutulong mo sa Guardians?"
Dahil ang buhay ng Guardians hindi masarap..punong puno ng responsibilidad sa Sarili mo, sa mga bro mo, sa komunidad at sa bayan.
Kaya wag kang mag expect."
"Guardians marking goes to obligation.."
MABUHAY ANG GUARDIANS!!!